Amas, Kidapawan City l Nobyembre 4, 2024 – Kasabay ng idinaos na regular Monday Convocation sa kapitolyo ngayong Lunes, nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat kay Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA si Makilala Institute of Science and Technology (MIST) President Dr. Gerardo Rigonan,DBA dahil aniya ay naging malaking bahagi ang gobernadora sa paglago ng naturang institusyon dahil sa mga suporta nito sa paaralan at mga mag-aaral dito.
Ayon kay Rigonan, sa mahigit 10 taon ng MIST simula nang itinatag ito noong 2013, iba’t ibang tulong ang ibinigay ni Gov. Mendoza sa kanila tulad ng “Serbisyong Totoo” multicab, arm chairs, covered court, gym, scholarship, at maging ang katatapos lang na anti-drug symposium para sa mga mag-aaral, at higit sa lahat ay ang P10M na halaga ng school building (10 classrooms) na ipapatupad ng pamunuan ni Gov. Mendoza para sa MIST sa taong 2025.
Aniya, ang naturang mga tulong ay nagbigay daan kaya ang MIST ay kinikilala at patuloy na nagsisikap sa pagbibigay ng “quality education” na aniya ay “tatak MIST” dahil sa naging achievements nito tulad ng: Region 12 rank 1 in criminology and midwifery, regional winner ROTC Mindanao Cluster, at maraming iba pa. Isa rin sa ipinagmalalaki ng MIST ang kanilang alumnus na si Anthony Ehapon ng Kidapawan City na isa sa dalawang Pilipino na napabilang sa Indian Military Academy at kasalukuyang nagsasanay doon.
Umaasa naman ito, na mas marami pang kabataan ang kanilang matutulungan katuwang ang kapitolyo sa pamumuno ni Gov. Mendoza. Kasama ng mga empleyado si Provincial Administrator Aurora P. Garcia at department heads na dumalo sa nasabing aktibidad./idcd-pgo-gonzales/photoby:CMombay/