Amas, Kidapawan City | Oktubre 31, 2024 – Apat na karangalan ang iginawad sa lalawigan ng Cotabato ngayong Biyernes, ika-31 ng Oktubre 2024 sa ginawang “Pasidungog sa Dose 2024” bilang matibay na patunay ng mahusay na pag-implementa ng pamunuan ni Gov LALA TALINO-MENDOZA sa iba’t ibang programa lalo na sa kampanya laban sa droga, pangangalaga ng kapakanan at karapatan ng kabataan at kababaihan, at sa pagsisikap na makamit ang pangmatagalang kapayapaan.
Sa naturang aktibidad na idinaos sa Greenleaf Hotel, General Santos City, kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng “Outstanding Local Government Unit (LGU) Implementors” sa Region XII, at ipinagkaloob sa probinsya ng Cotatato ang Plaque of Appreciation, and Plaque of Recognition sa Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC), na pinamumunuan ni Gov. Mendoza bilang chairperson. Ito ay dahil sa matagumpay na pag-implementa at “exemplary performance and commitment” nito sa pagtaguyod ng Retooled Community Support Program (RCSP) na nagsusulong ng kapayapaan sa pamamagitan ng pangkalahatang kaunlaran sa conflict-affected communities.
Iginawad din ang plake ng pagkilala sa Provincial LGU dahil nakakuha ito ng 99% Rating o Highly Functional Level of Functionality ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) covering CY 2023, at isa pang Plaque of Recognition dahil sa “IDEAL (82.83%) Level of Functionality” ng Local Council for the Protection of Children (LCPC).
Ibinigay na rin ng probinsya ang inaasam na “Drug Free Workplace (DFW) Certificate” na may 102/105 Rating dahil sa mahusay na implementasyon ng DFW Policy at matagumpay na nakamit ang requirements of DFW Seal Certification Program.
Labis namang ikinagalak ng gobernadora at umaasa na patuloy pa nitong maipakita ang pinakamahusay na antas ng paglilingkod sa mga Cotabateño.//idcd-pgo-gonzales/
Photoby PPDO/PLO: