Malawakang “relief operation activity” ikinasa ng DSWD at ng kapitolyo sa lalawigan

Amas, Kidapawan City I Oktubre 31, 2024 – Alinsunod sa hangarin nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA na agarang maiparating ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya sa panahon ng kalamidad, ikinasa ang malawakang “relief operation activity” sa probinsya ng Cotabato sa pakikipagtulungan ng tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinamumunuan ni Secretary Rex Gatchalian katuwang ang pamahalaang panlalawigan.

Nitong Martes, ika-29 ng Oktubre 2024, pinangunahan ni Undersecretary Allan Tanjusay at Field Office 12 Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr. kasama si Pikit Councilor Sittie Nursheena Sultan-Mocasim ang idinaos na aktibidad sa Barangay Pulangi at Ginatilan sa bayan ng Pikit, kung saan nabigyan ang abot sa 2,313 na pamilya ng tig-isang kahon ng “family food packs,” matapos ang matinding pag-ulan at pagbaha dulot ng bagyong Kristine.

Ang naturang pamamahagi ng tulong na nagmula sa DSWD ay nagpatuloy, sa isinagawang distribusyon ng kapitolyo sa pangangasiwa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pangunguna nina Department Head Arleen A. Timson at Provincial Coordinator Leah C. Lozada  nitong Miyerkules sa 3,471 na pamilya na nagmula sa Barangay Punol at Damalasak, mula pa rin sa bayan ng Pikit, Barangay Cabpangi sa bayan ng Libungan at sa labing-pitong (17) mga barangay sa bayan naman ng Pigcawayan.

Ang patuloy na pagdagsa ng kinakailangang suporta sa lalawigan upang matulungan ang mga apektadong pamilya na makabangon muli ay lubos na pinasasalamatan ng ina ng lalawigan.//idcd-pgo-frigillana/photoby:pswdo

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *