“Suicide Prevention Program” sa mga paaralan, patuloy na pinalalakas ng kapitolyo

Amas, Kidapawan City I Oktubre 28, 2024 – Katuwang ang Kagawaran ng Edukasyon, idinaos kamakailan lang ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ang “Hope and Healing: Personnel Basic Skills Training on Suicide Prevention in Schools” sa Parklay Suites, Kidapawan City na dinaluhan ng talumpung (30) partisipante na binubuo ng nurses, guidance counselors, designates and associates ng ilang high schools sa lalawigan.

Naging daan ang naturang programa na itinaguyod nina IPHO Head Dr. Eva C. Rabaya at Mental Health Program Coordinator Karen Jae G. Cabrillos upang maisakatuparan ang hangarin ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA na mapalakas at maiangat pa sa mga paaralan ang kamalayan para mapigilan ang insidente ng pagkitil ng sariling buhay, na isa sa mga paraan upang makabuo ng malusog, masaya at ligtas na espasyo o kapaligiran para sa mga guro at kabataan.

Sa nasabing aktibidad ipinaunawa sa mga kalahok ang “prevalence and impact of suicide among students” at tinukoy ang “common risk factors and warning signs for students at risk. Sa pamamagitan rin nito, natuto ang mga school personnel ng “practical skills for immediate intervention” upang mapanatiling ligtas ang mga mag-aaral, at napag-aralan rin nila ang “procedures for referring students to mental health professionals and support services.”

Sinaksihan nina SGOD-EPS Charlie L. Antipolo at Nurse In-Charge, DepEd/Health and Nutrition Section Cotabato Division Mary Gem R. Condez ang naturang pagsasanay.//idcd-pgo-frigillana/photoby:ipho