Gov Mendoza, nagbigay ng inspirasyon sa ‘Dekada Ochenta Event 2024’

Punong-puno ng saya at sorpresa ang idinaos na ‘Dekada Ochenta 2024 Event’ na inorganisa para sa mga alumni ng Batches 1980-1989 ng Notre Dame of Kidapawan High School Boys and Notre Dame of Kidapawan High School Girls (na ngayon ay kilala na bilang St. Mary’s Academy).

Sa ilalim ng temang ‘Moving Together Stronger Than Ever!’ pinatunayan ng mga myembro ng Dekada Ochenta na produkto ng mga nabanggit na pinakatanyag na institusyong pang-edukasyon sa lungsod ng Kidapawan at maging sa buong lalawigan, na tunay ngang sila ay naging matatag mula noon hanggang ngayon kung saan karamihan sa kanila ay namayagpag sa kani-kanilang napiling propesyon at karera sa iba’t ibang larangan.  

Kabilang sa mga miyembro nito ay ang pinakamataas na opisyal ng lalawigan na si Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA ng Batch 1989, na sa maraming taon ng kanyang paglilingkod sa taumbayan ay naging kampyeon sa ‘public service’ at nagbigay daan sa isang mas maunlad na probinsya ng Cotabato.  

“I am very happy that Dekada 80 is indeed very strong and united,” saad ng gobernadora sa kanyang talumpati bilang tagapagsalita sa naturang okasyon. Ibinahagi rin nito ang  iba’t ibang tagumpay na natamo ng probinsya ng Cotabato.

Siniguro din nito sa mga dumalo sa taunang pagtitipon na nagmula pa sa iba’t ibang bayan sa lalawigan, at mga karatig-probinsiya, na sa ilalim ng kanyang pamamahala ay patuloy na pinagsisikapang maisulong ang isang mas progresibong lalawigan.  

“Rest assured that the provincial government of Cotabato will always be of service,” dagdag pa nito, sabay na siniguro na bahagi ng pagsisikap na ito ay ang pagtiyak na “committed and inspired” ang may 2,246 na empleyado ng kapitolyo na aniya ay siyang aktibong katuwang nito sa pagtataguyod ng mga programa at serbisyo ng kanyang pamunuan.  Ipinagmalaki din nito na ang kapitolyo ay isa nang “drug-free worklplace.”/idcd-pgo-gonzales/photoby:WSamillano/

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *