Pasalubong Center sa Blue Palm Mountain Resort ng Libungan, itatanghal ang mga produkto ng probinsya

Pormal nang binuksan kahapon, Oktubre 25, 2024, ang Pasalubong Center sa Blue Palm Mountain Resort sa bayan ng Libungan. Magsisilbing One-Town-One-Product (OTOP) Kiosk ito at magtatanghal ng mga lokal na produktong pampasalubong mula sa probinsya. Isinagawa rin ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng resort para sa operasyon ng OTOP Kiosk.

Naka-lodge din sa naturang pasalubong center ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) Negosyo Agraryo Corner na magtatampok ng mga produkto mula sa maliliit na magsasaka o Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs), at ang Coconut Farmers and Industry Development Program (CFIDP) coco corner para naman sa produktong niyog ng probinsya.

Ang inisyatibong ito ay suportado ng pamunuan ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA, na inaasahang makapagbibigay ng bagong oportunidad sa mga lokal na micro, small and medium enterprises (MSMEs) at magsasaka sa probinsya.

Dumalo sa nasabing aktibidad si PMSMED Permanent Designate Mabel Lynell Calungsod bilang kinatawan ni Gov. Mendoza, DTI Regional Director Flora Gabunales,DTI Provincial Director Ferdinand Cabiles at ang CEO ng Palm Mountain Resort na si Mr. Mcmillan Tejeda.// Idcd-pgo j.abellana/photo by
CPIPC//.