Mahusay na pagpapatupad ng PALLGU sa probinsya, pinuri ng NFA 

|| Isang plaque of appreciation mula sa National Food Authority (NFA) Central Office ang tinanggap ni Gov LALA TALIÑO-MENDOZA dahil sa mahusay na pagpapatupad ng pamahalaang panlalawigan ng Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Unit (PALLGU) ng nabanggit na ahensya sa probinsya ng Cotabato. 

Ang pagkilala ay iginawad sa Provincial Governor’s Office, Amas, Kidapawan City ngayong araw, Oktubre 25, 2024 kasabay ng pagbisita nina NFA Department Manager Celerina T. Capones, NFA-XII Regional Manager Richardson A. Basig, NFA-Cotabato Branch Manager Richard L. Balbin, at mga kawani ng NFA Central Office. 

Pasasalamat naman ang ipinaabot ng butihing gobernadora sa NFA sa patuloy na paghahatid ng mga programang nakapaghahatid ng kaginhawaan sa bawat Cotabateño. 

Samantala, kasabay nito ay pinuri naman ng butihing gobernadora ang mga kawani ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) matapos naparangalan bilang “Best Group Presenter” sa ginanap na VCA output presentation on the Enhancing Competitiveness: A training on Rice Value Chain Analysis for the Rice Agricultural Extension Workers in Region XII na isinagawa sa ATI-RTC XII, San Felipe, Tantangan, South Cotabato nitong Oktubre 21-25, 2024.//PGO-Sopresencia Photoby:WSamillano//