Hakbang Tungo sa mas Maunlad na Cotabato: Groundbreaking ng bagong proyekto sa CMA, pinangunahan ni Cong. Santos

Amas, Kidapawan City | Oktubre 23, 2024 – Isang mas maunlad na Probinsya ng Cotabato ang nakikita ngayon ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos, matapos nitong pangunahan ngayong umaga ang groundbreaking ng isa na namang proyekto para sa Central Mindanao Airport kasama ang kinatawan mula sa Department of Transportation (DoTr) sa pangunguna ni Project Management Aviation and Airports Sector Head Eduardo Mangalili, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at ilang opisyales mula sa ikatlong distrito.

Ang nabanggit na Php290M na proyekto ay binubuo ng asphalt overlay of runway including runway strip grade correction na pinondohan ng pamahalaang nasyonal sa inisyatibo ni Congresswoman Santos katuwang si Deputy Speaker at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Representative Raymond Democrito Mendoza sa tulong na rin ni Speaker Martin Romualdez. 

Sa kanyang radio interview ngayong tanghali sa programang “Cotabato Atin To!” binigyang diin ng batang kongresista ang kanyang pangarap na mabuksan sa publiko ang nabanggit na paliparan na inaasahang magbibigay ng napakalaking oportunidad para sa Cotabateños. Nabanggit din nito na ilang beses niya itong ini-lobby sa Department of Transportation para lamang mabigyan ng pondo. 

Ito rin aniya ay pagtupad sa kanyang binitiwang pangako noong 2022 na tapusin ang naturang paliparan para sa kapakanan ng mamamayan. Aniya, “𝗜𝘁’𝘀 𝗺𝘆 𝗰𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝟯𝗿𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁 𝗼𝗳 𝗖𝗼𝘁𝗮𝗯𝗮𝘁𝗼, 𝘄𝗵𝗲𝗻 𝗜 𝗿𝗮𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀 𝗶𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟮, 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝗜 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗳𝗶𝗻𝗶𝘀𝗵 𝘁𝗵𝗲 𝗽𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁.”

Samantala, maliban sa P290M, may karagdagang Php150M na pondo din ang inilaan sa ilalim ng CY 2024 General Appropriations Act (GAA) na gagamitin naman para sa konstrukyon ng administration building, power house, control tower, fire station building, and water supply system na ipapatupad ng DPWH.

Labis naman ang kasiyahan ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA sa development ng nabanggit na airport na isa sa pinapangarap ng bawat mamamayan sa lalawigan.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *