Updating ng Peace & Order and Public Safety Plan ng probinsya, isinagawa

Inumpisahan na na ngayong araw, Oktubre 23, 2024 ng pamahalaang ang panlalawigan ng Cotabato ang tatlong araw na updating at workshop ng Peace and Order and Public Safety Plan (POPSP) ng lalawigan ng Cotabato na ginanap sa Governor’s Cottage, Amas, Kidapawan City.

Layunin nito na mailagay sa naturang POPSP ang mga bagong programa, proyekto at aktibidad batay sa 2024 assessment and evaluation ng Annual Peace and Order Performance Audit; Annual Anti-Drug Abuse Council Performance Audit; Annual Anti-Drug Abuse Council Performance Audit and Functionality of the Local Anti-Drug Plan of Action (LADPA) upang mas lalo pang mapahusay ang pagpapatupad ng mga programang may kinalaman sa usaping pangkapayapaan, seguridad at katiwasayan.

Personal namang nagpaabot kanyang mensahe sa mga dumalong partisipante si Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA. Ayon sa ina ng lalawigan mahalaga ang naturang plano lalo na at nakasalalay sa peace and security hindi lamang ang paglago ng ekonomoya kundi pati na rin ang pag-unlad ng isang komunidad.

Muli rin itong nagpaalala sa lahat hinggil sa malaking papel ng bawat isa lalo na sa pagtiyak ng isang malinis, mapayapa at tapat na halalan 2025.


Kabilang sa mga kalahok sa naturang aktibidad ay ang Philippine National Police (PNP), Philippine Army (1002nd and 60nd Brigade), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Education, Department of the Interior and Local Government (DILG), Land Transportation Office (LTO), National Commission on Indigenous People (NCIP), Department Environment and Natural Resources, Department of Public Works and Highways (DPWH), at Philippine Drug Enforcement Agency, at ilang departamento ng kapitolyo.//idcd -pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *