OPAPRU, nakatakdang magsagawa ng “Transformation Planning Workshop” para sa lalawigan ng Cotabato

Amas, Kidapawan City| Oktubre 21, 2024- Nakatakdang magsagawa sa darating na Oktubre 29-30, 2024 ng isang Transformation Program Planning Workshop for Cotabato Province ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU).

Ito ang inihayag ngayong umaga ni OPAPRU Regional Adviser on Peace and Security Retired MGen Edgardo De Leon sa kanyang pagbisita sa kapitolyo kasama ang tatlo pang kawani ng ahensya para sa isang pagpupulong kung saan hiniling nito ang suporta ng pamahalaang panlalawigan sa nabanggit na aktibidad. Magiging partisipante nito ang iba’t ibang line government agencies at former rebels na nagbalik loob na sa pamahalaan.

Bilang mga kinatawan ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA, tiniyak naman nina Boardmembers Sittie Eljorie Antao-Balisi at Jonathan Tabara ang aktibong partisipasyon ng probinsya sa programang pangkapayapaan ng ahensya. Sa katunayan ayon kay Provincial Planning and Development Coordinator Jonah Balanag, ang pamunuan ni Gov. Mendoza ay naglaan ng abot sa P50M pondo para sa implementasyon ng Serbisyong Totoo Caravan na ipinapatupad ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict bilang pagtalima sa Executive Order No. 70 ng pamahalaang nasyonal.

Labis namang nagpasalamat si Regional Adviser De Leon sa pamahalaang panlalawigan sa tulong nito lalo na sa pagtataguyod ng programang pangkapayapaan sa rehiyon XII..//idcd-pgo-sotto//

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *