3-Day Training-Workshop ng RBME, isinagawa sa mga GAD focal persons ng kapitolyo

Amas, Kidapawan City | Oktubre 20, 2024 – Isinagawa ng Provincial Governor’s Office – Population, Gender and Development (POPGAD) Division ang tatlong araw na Training-Workshop sa Results-Based Monitoring and Evaluation (RBME) para sa mga miyembro ng Gender and Development Focal Point System (GADFPS) Technical Working Group (TWG), Gender and Development Monitoring and Evaluation (GAD M&E) Team, at mga kawani ng POPGAD nitong Oktubre 16-18, 2024.

Ang naturang pagsasanay ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng provincial government ng Cotabato, sa pangunguna ni Governor LALA TALIÑO-MENDOZA, na mapalakas ang pagtataguyod ng gender and development programs sa lalawigan pati na rin ang pagpapahusay ng kakayahan ng mga GAD focal persons sa pagbuo ng mas epektibo at makabuluhang sistema ng monitoring at evaluation na nakabase sa resulta. 

Ilan sa mga pangunahing tinalakay sa aktibidad ay ang mga sumusunod:

*Mga hakbang sa Results-Based Monitoring and Evaluation (RBME)

*Pagsusuri ng mga M&E reports at forms

*RPMES (Regional Project Monitoring and Evaluation System) reports

*Risk-Based Monitoring

*Introduction to RBME at importance of measuring performance

*Role of Monitoring and Evaluation (M&E)

*History/Fundamentals of  RBME

*Steps in designing and implementing RBME system

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng RBME sa pagsusuri ng mga programa at proyekto ng Gender and Development (GAD) upang masiguro na ang mga GAD initiatives ay nagbubunga ng positibong epekto sa mga benepisyaryo nito.

Dinaluhan naman ni Boardmember Ivy Martia Lei Dalumpines-Ballitoc ang aktibidad bilang kinatawan ni Gov. Mendoza kung saan narito din ang  mga kawani ng Department of the Interior and Local Government (DILG) upang magbigay ng suporta. Nagsilbing resource persons/speakers nito sina LGOO V Helen Grace D. Sayon,  LGOO II Marielle Joyce S.Tuble at LGOO II Engr.Abdul Hajid U.Melikon Jr. na ginanap sa Boylyns Pensione Plaza and Restaurant, Brgy. Magsaysay, Kidapawan City.// idcd-pgo-delacruz// Photoby: PGO-POPGAD//

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *