Mga kabataang Cotabateño dumalo sa SOX-ENR Youth Summit

Amas, Kidapawan City | Oktubre 19, 2024 – Abot sa 25 na kabataang Cotabateño, kabilang na ang mga Sangguniang Kabataan (SK) officials, Local Youth Development Officers (LYDOs), at iba pang youth leaders, ang dumalo sa SOCCSKSARGEN Environment and Natural Resources (SOX ENR) Youth Summit sa Koronadal City nitong Biyernes, Oktubre 18, 2024.

Ito ay naglalayong palakasin ang kampanya hinggil sa “environmental awareness” at isulong ang “protection and conservation efforts” sa mga bagong henerasyon na lubos namang sinuportahan ni Gov LALA TALIÑO-MENDOZA na siya ring adbokasiya ng kanyang administrasyon. 

Dito, nagbahagi ng “best practices” ng probinsya si SK Provincial Federation Karen Michie De Guzman bilang kinatawan ng gonernadora kung saan ibinida nito ang iba’t ibang pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan sa larangan ng pangangalaga ng kalikasan. 

Naroon sa aktibidad sina DENR XII Regional Executive Director Atty. Felix Alicer, Carlito Rocafort, CESO III ng DepEd XII, Ma. Elvira V. Lumayag, Asst. Regional Director Manangement Services -DENR XII, at Provincial Youth Development Officer Laarni Blase.//idcd-pgo-gonzales/photoby:pydo//

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *