Amas, Kidapawan City | Kahanga-hangang galing, husay at abilidad ang ipinamalas ng mga atletang Cotabateรฑo matapos itong humakot ng medalya sa katatapos lamang na SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association (SRAA) Meet 2024 na ginanap sa General Santos City na nagsimula nitong Lunes, Mayo 13 at nagtapos naman ngayong araw ng Biyernes, Mayo 17, 2024.
Batay sa SRAA official medal tally, nasa pangatlong pwesto ang lalawigan ng Cotabato kung saan nakakuha ito ng 53 Golds, 67 Silvers at 94 Bronzes mula sa pinagsamang Regular Sports, Demo Sports, Regular Games at Exhibition Games.
Ang tagumpay na ito ng mga batang atleta ay buong pusong ipinagmamalaki ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza na naglaan ng pondo sa ilalim ng Special Education Fund na umabot sa P6,500,000.00 para sa transportasyon, uniporme, medisina, toiletries, insurance at iba pang pangangailangan ng mga manlalaro.
Nagpasalamat din ito sa Department of Education-Cotabato Division sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Romelito Flores, mga coaches, sports officials at magulang sa suportang ibinigay nito sa delegado ng lalawigan.
Ang mga batang nanguna at namayagpag sa iba’t-ibang larangan ng kompetisyon ay tutungo naman sa Cebu City at siyang kakatawan sa rehiyon dose sa gaganaping palarong pambansa sa darating na Hulyo.//PGO-Sopresencia Photoby:DepEdTayoSOCCSKSARGEN//