Amas, Kidapawan City | Mayo 17, 2024 – Labis na pasasalamat ang ipinaabot ng 355 “corn farmers” mula sa bayan ng M’lang matapos nitong makatanggap ng “corn seeds” at “fertilizers” sa magkatuwang na distribusyon ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato at Department of Agriculture XII.
Abot sa P4,638,785.00 halaga ng binhi at pataba ang inilaang pondo ng pamahalaang nasyunal para sa nasabing bayan sa ilalim ng Corn Production Enhancement Project CY 2024 na naglalayong mabawasan ang gastusin ng mga benepisyaryo sa kanilang pagsasaka.
Bahagi din ito ng pinagkaisang layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza at 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos kaagapay ang mga tanggapan nina DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. at DA XII Regional Executive Director Roberto T. Perales na matulungan ang mga nangangailangang magsasaka sa lalawigan at sa buong bansa upang maibsan ang kanilang gastusin sa pagtaguyod ng kanilang hanapbuhay.
Ang naturang pamamahagi ay ginanap sa Office of the Municipal Agriculturist (OMAg) ng M’lang na dinaluhan ni DA XII Corn Program Staff Marjun Mamangon at mga kawani mula sa Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) at lokal na pamahalaan ng nabanggit na bayan.//idcd-pgo-mombay/PhotoCreditsOPAg//