Amas, Kidapawan City| Mayo 15, 2024- Personal na pinasalamatan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo-Mendoza ang mga law enforcers ng lalawigan na naging kabahagi sa matagumpay na inagurasyon ng Malitubog-Maridagao Irrigation Project (MMIP) II na personal na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Sa kanyang naging mensahe sa isinagawang Provincial Peace and Order Council Executive Meeting (PPOC-ExeCom) ngayong hapon sa 602nd Brigade, Camp Lucero, Carmen, Cotabato isang pagsaludo ang ipinaabot ng gobernadora sa mga personahe ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) sa maayos nitong pagpapatupad ng seguridad at pagtiyak ng kaligtasan ng mga opisyales at indibidwal na dumalo sa inagurasyon na ginanap noong Abril 29, 2024 sa Barangay Bagoinged, Pikit, Cotabato.
Patunay ito ayon pa sa ina ng lalawigan sa dedikasyon at pagsisikap ng mga law enforcers na magampanan ang kanilang tungkulin at responsibilidad lalo na sa usaping peace and order.
Samantala, naging sentro din ng pagpupulong sa PPOC Execom ang paghahandang ginagawa ngayon ng mga militar, kapulisan at BFP sa papalapit na Summer Kids Peace Camp (SKPC) na magsisimula sa buwan ng Hunyo at ang pagdiriwang ng Kalivungan Festival sa buwan naman ng Setyembre.
Nagbigay din ng kanilang updates tungkol sa peace and order situation on anti-criminality ang Cotabato Police Provincial Office, at Peace and Order Situation on Anti-Insurgency ang AFP.
Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong sina CPPO Provincial Director PCol Gilberto B. Tuzon, 602nd Brigade Commanding Officer BGen Donald M Gumiran, 1002nd Brigade Commander BGen Patricio Ruben P Amata, Boardmember Sittie Eljorie Antao-Balisi, League of Municipal Mayors President Mayor Jonathan Mahimpit, Department of the Interior and Local Government Provincial Director Ali Abdullah at Liga ng mga Barangay (LnB) Provincial Federation President Phipps Bilbao.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//