Amas, Kidapawan City | Mayo 13, 2024- Ang pagkakaroon ng malinis at maiinom na tubig ang isa sa pangunahing pangangailangan ng bawat komunidad. Kaya ganoon na lamang ang pasasalamat ng mga opisyales at residente ng Barangay Macebolig, Kidapawan City matapos bigyang katuparan ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza ang kahilingan ng mga ito na mabigyan ng water system project.
Ang nasabing proyektong patubig na nagkakahalaga ng P1,997,999.94, ay mapapakinabangan na ngayon ng limampung (50) pamilya partikular na sa Purok 3 at 4 ng naturang barangay na labis na nangangailangan dahil sa kakulangan ng supply ng tubig mula sa kanilang Barangay Water System o BAWASA.
Sentro ng naging mensahe ng ina ng lalawigan ang paalaala sa mga kabataan at magulang hinggil sa napapanahong problemang dulot ng makabagong teknolohiya. Binigyang diin nito na kailangang iprayoridad ng mga kabataan ang pag-aaral, iwasan ang maagang pakikipagrelasyon at paggamit ng ilegal na droga.
Hinikayat rin nito ang mga magulang na i-monitor ang mga anak at maging bukas sa pakikipag-usap lalo na sa mga panahong may pinagdadaanan ang mga ito.
Nabanggit din nito na ang kapitolyo ay hindi lamang nakatutok sa pagbibigay ng proyektong pag-imprastraktura, prayoridad din nito ang mga programang nakasentro sa kalusugang mental at pisikal ng bawat Cotabateรฑo.
Samantala, sa pag-apruba ng Supplemental Budget No. 1 nitong nakaraang linggo makakatanggap din ng karagdagang proyekto ang ilang barangay sa Kidapawan City. Ito ay kinabibilangan ng Completion of Covered Court at Barangay Patadon East (P2M); Construction of Covered Court at Amas National High School (P5M); Construction of Covered Court at Mateo Elementary School (P5M); Completion of Multipurpose Building, Brgy. Indangan (P2M); at Concreting of road sa Barangay Kalasuyan (5M).
Kasama din ni Gov. Mendoza sa isinagawang turnover sina Boardmember Ryl John Caoagdan, City Councilor Aying Pagal, at mga barangay officials ng Macebolig.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano&RVillarico