Amas, Kidapawan City l Mayo 13, 2024 โ Ang dedikasyon at determinasyon ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza na mapalakas pa ang kakayahan ng mga Cotabateรฑo at mapalago pa ang lalawigan ng Cotabato ang kanyang naging inspirasyon upang patuloy na maging matiyaga sa pakikipag-ugnayan sa lahat ng ahensya ng pamahalaan sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand โBongbongโ R. Marcos, Jr.
Kabilang na dito ang tanggapan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na nagtataguyod ng maagap at mapagkalingang serbisyo sa mamamayan.
Sa pakikipagtulungan ng butihing gobernadora sa opisina ni DSWD 12 Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr., naging daluyan ng maraming serbisyong panlipunan ang lalawigan ng Cotabato mula sa pamahalaan.
Parte nito ang โRisk Resiliency Program-Cash for Training and Work (RRP-CFTW)โ na ipinapatupad sa ilalim ng โProject LAWA & BINHI,โ na nakatutok sa pagbibigay tulong sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng matinding tagtuyot na dulot ng kawalan ng sapat na pagkain at kakulangan sa tubig dahil sa โclimate change.โ
Sa lalawigan ng Cotabato, sumailalim na sa โtrainingโ o oryentasyon ang 775 na Carmenians nitong Mayo 9-10, 2024 hinggil sa nasabing programa na may paksang โunderstanding risk reduction and climate change,โ โintroduction to risk resiliency program,โ โthe project LAWA and BINHIโ at โadministrative requirements for the CFTW.
Ito ay bahagi ng 2,485 na kabuoang bilang na RRP-CFTW โbeneficiaries,โ kasama na ang mga nagmula sa bayan ng Banisilan na may 364 na benepisyaryo; Alamada, 581; Arakan, 452 at Pres. Roxas na may 313 na benepisyaryo.
Tatagal ng dalawampung (20) araw ang nabanggit na aktibidad kung saan nakapaloob rin dito ang โcash-for-work activity,” at tatanggap ang mga โbeneficiariesโ ng sahod na P368.00 per day na nagmula sa higit P18M na pondong inilaan ng pamahalaan para sa probinsya ng Cotabato. Ito ay matapos na maisagawa ang paglilingkod sa pamayanan sa mga gawaing may kinalaman sa โconstruction of water harvesting facilitiesโ at โfood security.โ
Lubos na pinasasalamatan ni Gov. Mendoza ang pagdagsa ng oportunidad sa lalawigan na nagbukas ng pagkakataon sa mga kababayan nito upang magkaroon ng pansamantalang hanapbuhay na naging malaking tulong sa kanilang mga pamilya.
Dumalo sa oryentasyong ginanap sa bayan ng Carmen sina DSWD-12 Program Head Jazel Magno at PDO II Ryan Hervilla pati na ang kinatawan mula sa Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO) at mga representante mula sa Municipal Welfare and Development Office (MSWDO).//idcd-pgo-frigillana/photoby:pswdo