Amas, Kidapawan City|Mayo 13, 2024- Naging mas maaliwalas para sa mga mga residente at opisyales mula sa apat na barangay ng Makilala ang araw ng Lunes matapos silang personal na bisitahin ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza para sa pormal na turnover ng proyektong pang-imprasktraktura sa kanilang mga lugar na may kabuoang halaga na abot sa P25,975,845.71.
Kabilang sa mga barangay na nabiyayaan ng proyekto ay kinabibilangan ng sumusunod: 926 meters Road Concreting Project, sa Barangay Villaflores na nagkakahalaga ng P9,994,833.10; 180 meters road concreting and installation of box culvert sa Barangay Cabilao na may pondong P9,989,590.63; Rehabilitation and Replacement of New Israel Zipline Facilities na may alokasyong P996,506.19; at Construction of Covered Court para sa New Cebu Elementary School sa Barangay New Cebu na nagkakahalaga ng P4,994,915.79.
Personal namang ipinarating ni Makilala Municipal Mayor Armando Quibod, ang kanyang pasasalamat kay Governor Mendoza sa proyektong inihatid ng provincial government sa kanyang nasasakupan.
Hindi naman maikubli ni New Cebu Elementary School Principal Celia C. Solidad ang kanyang kasiyahan at taos-pusong pasasalamat sa proyektong covered court na ibinigay ng probinsya sa kanyang paaralan.
Ayon sa kanya, “๐ ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ผ๐ป ๐ด๐ถ๐ฑ ๐ธ๐ฎ๐บ๐ถ ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐ธ๐ผ ๐๐ฎ ๐ฐ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐ฐ๐ผ๐๐ฟ๐ ๐ป๐ด๐ฎ ๐ด๐ถ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐ ๐๐ฎ๐น๐ฎ. ๐๐ฎ๐ธ๐ผ ๐ด๐ถ๐ฑ ๐ถ๐ป๐ถ ๐ป๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ฎ๐บ๐ผ๐ป๐ด ๐ญ๐ฒ๐ฏ ๐ธ๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฒ๐๐๐๐ฑ๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ ๐ธ๐ฎ๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐๐๐๐๐ฑ๐น๐ผ ๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ถ ๐๐ฎ ๐ก๐ฒ๐ ๐๐ฒ๐ฏ๐ ๐๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น.โ
Ganun din ang pasasalamat ng iba pang mga punong barangay kasama ang kanilang konseho at residente dahil sa mga proyekto at tulong na natanggap ng mga ito mula sa kapitolyo sa pangunguna ni Gov. Mendoza.
Dumalo rin sa nabanggit na aktibidad sina Boardmember Ryl John Caoagdan, Makilala Vice Mayor Ryan Tabanay, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//