Amas, Kidapawan City| Abril 29, 2024- Personal na nagpasalamat si Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza kay Pangulong Ferdinand โBongbongโ R. Marcos, Jr. sa pagbisita nito sa lalawigan ng Cotabato para sa inagurasyon ng P5.1B Malitubog-Maridagao Irrigation Project (MMIP) Phase II na idinaos ngayong araw sa project site sa Barangay Bagoinged, Pikit Cotabato.
Sa kanyang panayam sa miyembro ng media bago magsimula ang inagurasyon, inihayag ng gobernadora ang kanyang kagalakan sa pagtatapos ng naturang proyekto. Ayon sa kanya, sa kabila ng mga hamong kinaharap sa pagpapatapos nito dahil sa kaguluhan at iba pang sirkumstansiya, naging masaya siya dahil nakikita na niya ngayon ang kaunlaran, katiwasyan at kasaganaan na hatid ng MalMar project.
Pinuri din nito ang pagsisikap ng ibaโt ibang ahensya at stakeholders upang mabigyang katuparan ang MMIP II na matagal ng pinapangarap ng mga mamayan mula sa bayan ng Aleosan at Pikit at karatig lugar mula naman sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa simple ngunit makabuluhang programang ginanap, ipinarating din ni Governor Mendoza ang kanyang pasasalamat sa pangulo sa buhos biyaya at tulong na ipinaabot nito para sa mamamayang Cotabateรฑo.
โ๐๐๐ง๐๐ข๐๐ฃ๐, ๐ข๐๐ง๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ก๐๐ข๐๐ฉ ๐ฅ๐ค ๐ข๐๐๐๐ก ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ช๐ก๐ค ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ก๐๐๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐ฎ๐ค ๐จ๐ ๐ก๐๐ก๐๐ฌ๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐พ๐ค๐ฉ๐๐๐๐ฉ๐ค,” ๐จ๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐ค๐ซ. ๐๐๐ฃ๐๐ค๐ฏ๐.//idcd-pgo-sotto&sopresencia/PhotobyWMSamillano//