Amas, Kidapawan City| Abril 29, 2024 – “๐ผ๐ฃ๐ ๐ฉ๐ช๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐ง๐๐๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐ค ๐๐ฎ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐ช๐๐๐ฎ ๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ข, ๐๐ฉ๐ค ๐ง๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ฎ๐๐ฅ๐๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ช๐๐ช๐๐๐ฎ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐ค๐ ๐ง๐๐จ๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ค.”
Ito ang bahagi ng naging mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa isinagawang inagurasyon ng Malitubog-Maridagao (MalMar) Irrigation Project (MMIP) Phase II sa Barangay Bagoinged Pikit, Cotabato ngayong hapon.
Kasama si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo-Mendoza, National Irrigation Administration (NIA) Administrator Engr. Eduardo Eddie Guillen at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan, pinangunahan ng pangulo ng bansa ang pormal na pagbubukas ng P5.1B na proyektong mapapakinabangan ng may 9,500 na ektaryang sakahan at higit sa 4,000 magsasaka mula sa bayan ng Pikit at Aleosan sa lalawigan ng Cotabato at Pagalungan at Maguindanao mula Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Binigyang diin din ng pangulo na ang MMIP II ay hindi lamang ordinaryong proyekto na magbibigay ng magandang ani at kita sa mga magsasaka, ngunit magdudulot din ito ng pag-unlad sa mga lugar na benepisyaryo ng proyekto.
“๐๐๐ฉ๐ ๐ฉ๐๐๐จ ๐๐ง๐ง๐๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐ฅ๐ง๐ค๐๐๐๐ฉ, ๐ฉ๐๐ ๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฌ๐๐ก๐ก ๐๐๐๐ค๐ข๐ ๐ ๐๐๐ง๐ฉ๐๐ก๐ ๐๐๐๐ก๐ ๐ค๐ ๐๐ง๐๐๐ฃ. ๐๐ฉ ๐ฌ๐๐ก๐ก ๐๐ง๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฃ๐ฎ ๐๐ค๐ช๐ฃ๐ฉ๐๐๐ช๐ก ๐๐๐ง๐ซ๐๐จ๐ฉ๐จ ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ค๐ช๐ง๐๐จ๐ ๐ข๐๐ฃ๐ฎ ๐๐๐ข๐๐ก๐๐๐จ ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐จ๐ช๐ง๐ ๐ฉ๐๐๐ฉ ๐ฉ๐๐๐๐ง ๐๐๐๐ก๐๐ง๐๐ฃ ๐ฌ๐๐ก๐ก ๐๐๐ฉ ๐ฉ๐๐๐๐ง ๐๐๐๐ง ๐จ๐๐๐ง๐ ๐ค๐ ๐ฅ๐ง๐ค๐๐ง๐๐จ๐จ” ๐ฌ๐๐ ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ช๐ก๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐๐ค๐จ.
Nanawagan din ito sa mga opisyales at mamamayan ng mga benepisyaryong komunidad na gamitin sa tama, ingatan at alagaan ang proyektong ipinagkaloob ng pamahalaan upang mapakinabangan pa ng mga susunod pang henerasyon.
Kasama rin ni Pangulong Marcos sa kanyang pagbisita ngayong araw sina Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos, Jr., Office of the Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito G. Galvez, Jr., at Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman. Dumalo din sa makasaysayang aktibidad sina BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim, Al Haj, 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos, 1st District Representative Joel Sacdalan, Pikit Municipal Mayor Sumulong Sultan, at mga lokal na opisyales mula sa Cotabato at BARMM Provinces.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano&RSopresencia//