Amas, Kidapawan City- Pasasalamat ang ipinaabot ni Member of the Parliament Romeo K. Sema kay Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza sa suporta nito sa adhikaing isinusulong ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Ipinaabot ni Sema ang pasasalamat, matapos itong bumisita sa kapitolyo ngayong araw at nabigyan ng pagkakataon na magbigay ng mensahe sa harap ng mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan kasabay ng isinagawang Monday flag raising ceremony.
Ayon kay Sema, โ๐ฝ๐๐๐ฃ๐ ๐ค๐ช๐ง ๐๐๐ฉ๐๐ฌ๐๐ฎ ๐๐ฃ ๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐ค๐ง๐ฉ๐๐๐๐จ๐ฉ, ๐ฉ๐๐ ๐๐ง๐ค๐ฌ๐ฉ๐ ๐ค๐ ๐พ๐ค๐ฉ๐๐๐๐ฉ๐ค ๐๐ง๐ค๐ซ๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐จ ๐๐๐๐ฃ ๐๐ง๐๐๐ฉ๐ก๐ฎ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก ๐ฉ๐ค ๐ฝ๐ผ๐๐๐. ๐๐ช๐ง ๐๐ค๐ฃ๐ฃ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ฉ๐ฎ ๐ข๐๐๐ ๐ฉ๐ง๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ข๐ข๐๐ง๐๐ ๐๐๐๐จ๐๐๐ก๐ ๐๐ฃ๐ ๐ค๐ช๐ง ๐ฅ๐๐ค๐ฅ๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐จ๐จ ๐ฉ๐ค ๐ข๐๐ฉ๐๐ง๐๐๐ก๐จ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ง๐ค๐๐ช๐๐ฉ๐จ ๐ฉ๐๐๐ฉ ๐๐ง๐ ๐ฃ๐ค๐ฉ ๐๐ค๐ช๐ฃ๐ ๐๐ฃ ๐ฉ๐๐ ๐ง๐๐๐๐ค๐ฃ.โ
“๐๐๐๐ฃ๐ ๐จ ๐ฉ๐ค ๐๐ค๐ซ๐๐ง๐ฃ๐ค๐ง ๐๐๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐๐ค๐ฏ๐, ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐ ๐จ๐๐๐ฃ ๐๐ค๐ฌ ๐ฉ๐๐๐จ ๐๐ง๐๐ ๐๐๐จ ๐๐ง๐ค๐ฌ๐ฃ ๐๐ง๐ค๐ข ๐ช๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฉ๐๐ ๐ก๐๐ฃ๐๐จ๐๐๐ฅ๐๐จ ๐ฉ๐ค ๐ฌ๐๐ก๐ก-๐๐ค๐ฃ๐๐ง๐๐ฉ๐๐ ๐ง๐ค๐๐๐จ ๐ฌ๐๐๐ง๐ ๐ง๐๐จ๐๐๐๐ฃ๐ฉ๐จ ๐๐๐ฃ ๐๐ค๐ฃ๐๐ช๐๐ฉ ๐ฉ๐๐๐๐ง ๐๐ช๐จ๐๐ฃ๐๐จ๐จ ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐ซ๐ ๐ฌ๐๐ฉ๐ ๐๐๐จ๐.”
Binigyang diin din nito na ang tagumpay ng BARMM Government ay tagumpay ding maituturing para sa probinsya ng Cotabato.
โ๐๐๐ ๐๐ง๐ค๐ฌ๐ฉ๐ ๐ค๐ ๐ค๐ฃ๐ ๐๐จ ๐๐ก๐จ๐ค ๐ฉ๐๐ ๐๐ง๐ค๐ฌ๐ฉ๐ ๐ค๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐ฉ๐๐๐ง. ๐๐ค๐๐๐ฉ๐๐๐ง, ๐ฌ๐ ๐๐ค๐ช๐ก๐ ๐๐๐ซ๐๐ก๐ค๐ฅ ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ง ๐ค๐ ๐๐๐ซ๐๐ก๐ค๐ฅ๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ข๐ข๐๐ง๐๐ ๐๐ฃ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐ง๐ฉ ๐ค๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ค.โ
Nagbigay din ito ng update hinggil sa gagawing plebisito sa darating na Abril kung saan boboto ang mga residente ng 63 barangays na dating sakop ng lalawigan at ngayon ay bahagi na ng Special Geographic Area ng BARMM kung sasang-ayon ba ang mga ito sa paglikha ng bagong munisipyo kung saan sila mapapabilang.
Ang nasabing mga munisipyo ay tatawaging Municipalities Pahammudin, Kadayangan, Nabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao, Tugunan, at Ligawasan.
Tiniyak naman ni Governor Mendoza na patuloy na magiging katuwang ng BARMM ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato lalo na sa usaping pangkapayapaan, pangkaunlaran at pagpapalago ng mga komunidad dito na makakatulong hindi lamang sa rehiyon kundi pati na rin sa lalawigan.
Pagkatapos ng flag raising ceremony ay nakipagpulong din si MP Sema kasama ang mga 63 na punong barangay ng SGA-BARMM sa opisina ni Governor Mendoza.//idcd-pgo-sotto/PhotobySMNanini&RSopresencia//