Amas, Kidapawan City โ Upang masiguro na maipatupad ang mga proyektong pang-imprastraktura ayon sa itinakdang iskedyul ngayong taon, puspusan ang pagsasagawa ng mga pagsusuri o “survey” sa iba’t ibang mga proyekto na pinondohan ng pamahalaang panlalawigan.
Batay sa datos ng Provincial Engineer’s Office na siyang nanguna sa pagsagawa ng naturang survey, abot sa dalawampu’t apat (24) na mga proyektong kinabibilangan ng road concreting, construction of box culvert/overflow/hanging bridge, concreting of canal, at construction of 2-storey multi-purpose building / barangay hall ang mga ito.
Ang nabanggit na mga proyekto ay may katumbas na P173M na kabuoang halaga na pinondohan sa ilalim ng 20% Economic Development Fund at 2024 Disaster Risk Reduction and Management Fund ng pamahalaang panlalawigan.
Matapos ang nasabing survey, ay inihahanda na ng PEO ang mga kaukulang dokumento tulad ng program of works upang maaprubahan at tuluyan nang ma-implementa sa iba’t ibang barangay o komunidad sa lalawigan.//idcd-pgo-gonzales/photoby: PEO/