Amas, Kidapawan City “๐๐ก๐๐ง๐ค ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐๐จ๐ซ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฉ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง, ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ซ๐ฏ๐ข๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐.”
Ito ang bahagi ng naging mensahe ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza matapos itong maimbitahan bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng ika-73 anibersaryo ng Department of Social Welfare and Development XII nitong Biyernes, Pebrero 16, 2024 na ginanap sa South Cotabato Gymnasium and Cultural Center, Koronadal City.
Ayon sa gobernadora, bilang Regional Development Council (RDC) XII Chair at gobernador ng lalawigan ng Cotabato, ramdam at nakikita niya ang pagsisikap at dedikasyon ng mga kawani ng DSWD upang maihatid ang pangunahing serbisyong panlipunan lalo na sa mga kapus-palad na indibidwal.
“๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ญ ๐ค๐๐ฒ ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ก๐ ๐ ๐ฒ๐ฎ๐ ๐ ๐ข๐ก๐๐ญ๐๐ ๐๐ง ๐ฎ๐ ๐ก๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ฌ๐ฒ๐ ๐๐ง๐ ๐จ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐ ๐ง๐ ๐ ๐ ๐ข๐ก๐๐ญ๐๐ ๐ฌ๐ ๐ข๐ง๐ฒ๐จ ๐ฌ๐ ๐ ๐จ๐๐ฒ๐๐ซ๐ง๐จ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐๐ ๐ข ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ก๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ ๐ฆ๐๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ,” wika ni Gov. Mendoza.
Binigyang diin din nito ang kahalagahan ng kabutihan, pag-unawa, pakikiramay at sinseridad sa pagtugon sa pangangailangan ng bulnerableng sektor na siya ring nais iparating ng pamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa bawat opisyal at kawaning naglilingkod sa pamahalaan.
Nagpasalamat naman si DSWD XII Regional Director Loreto V. Cabaya Jr. sa pagpapaunlak ng ina ng lalawigan sa kanilang imbitasyon at sa buong pusong suporta nito sa ahensya.
Nakiisa rin sa pagdiriwang ang mga kawani ng DSWD mula sa iba’t ibang munisipyo, siyudad, at probinsya ng rehiyon.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//