Amas, Kidapawan City Nagsagawa ng ceremonial distribusyon ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ng knapsack sprayers sa mga kwalipikadong magsasaka sa probinsya nitong Biyernes, Pebrero 16, 2024.
Layunin ng proyektong ito na mapabuti ang kalagayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng kagamitang makakatulong sa kanilang pagsasaka.
Personal naman itong dinaluhan ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza kung saan sinabi nito na pinag-aaralan ng kanyang pamunuan ang mga programang iniimplementa kung paano makatulong sa mga mamamayan.
Ayon sa datos ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), tinatayang aabot sa P1,614,600 na halaga o katumbas sa limang daan at siyamnapu’t walong (598) mga knapsack sprayers ang nakatakdang ipamahagi sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Sa naturang bilang, siyamnapuโt walong (98) sprayers ang ipinamahagi ngayong araw sa mga organic farmers mula sa Kabacan, Pikit, Libungan, Carmen, Antipas. Mlang, Kidapawan City, at Matalam.
Samantala, ang natitirang limang daang (500) knapsack sprayers ay ipamamahagi sa mga magsasaka ng lalawigan sa susunod na mga araw.
Nagbigay naman ng mensahe ang mga organic practitioner na sina Lani Solano mula sa bayan ng Libungan at Rowena Silvano mula naman sa bayan ng Matalam, na nagpahayag ng pasasalamat sa naturang tulong.
Ayon sa kanila, “Malaking tulong ito para sa aming pamilya, mas magiging maayos na ang aming kita at mas mapapagaan ang aming trabaho sa sakahan.”
Dumalo sa naturang distribusyon sina Boardmember Jonathan M. Tabara, Makilala Vice Mayor Ryan Tabanay, Magpet Vice Mayor Florenito T. Gonzaga, Libungan Vice-Mayor Jims C. Fullecido, Aleosan Vice-Mayor Felimon C. Cayang at Banisilan Vice Mayor Julier โOyingโ Caranay.//Idcd-pgo-delacruz//