Pinangunahan nitong, Enero 10, 2024 ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza ang turnover ng multi-purpose building sa Barangay Renibon, Pigcawayan Cotabato na pinondohan ng P4,990,748.98 sa ilalim ng Local Government Support Fund-Financial Assistance to LGU (LGSF-FALGU) ng pamahalaang nasyonal.
Sa mensaheng ipinaabot ni Renibon Barangay Chairman Rogelio Nergua, pinasalamatan nito ang pamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa paglalaan nito ng pondo para sa naturang istraktura na ngayon ay kanila ng magagamit bilang bago nilang opisina sa barangay.
Nagpasalamat din ito kay Governor Mendoza sa suportang ipinarating nito sa kanyang barangay na malaki ang maitutulong upang mas maayos pa nitong magampanan ang kanilang tungkulin.
Sa kanyang naging mensahe, sinabi ng gobernadora na umaasa itong maging inspirasyon sana sa mga opisyales ng Renibon ang naturang gusali upang mas lalo pang pagbutihin ang kanilang pagbibigay ng serbisyo lalo na sa mga indibidwal na nangangailangan. //idcd-pgo-sotto/PhotobySMNanini//