Amas, Kidapawan City- Masayang sinalubong ng mga residente ng Barangay Anick, Pigcawayan, Cotabato ang pagdating ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza upang pangunahan nitong Miyerkules, Enero 10, 2024 ang turnover ng 446 metrong road concreting project sa nasabing barangay.
Ito ay pinondohan ng abot sa P4,994,272.74 sa ilalim ng Development Fund ng kapitolyo na naglalayong mas lalo pang mapaunlad ang mga barangay sa probinsya na isa sa 8-point agenda ng kasalukuyang administrasyon.
Taos pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga opisyales at residente ng Barangay sa pangunguna ni Barangay Chairman Lady Jessamae Bartolo sa pagtugon ng pamahalaang panlalawigan na maisaayos ang kanilang lubak-lubak na daan.
Kasama din ni Governor Mendoza sa naturang turnover si 1st District Boardmember Roland Jungco, mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng Pigcawayan, at barangay officials.//idcd-pgo-sotto/PhotobySMNanini/