Amas, Kidapawan City I Enero 9, 2023 โ Magiging puno ng ngiti at ningning ang paglakbay sa taong 2024 ng mga piling lolo at lola sa bayan ng Pres. Roxas na unang nabigyan ngayong taon ng โcomplete dentureโ o pustiso na may katumbas na halagang P15,000.00 bawat isa bilang regalo ng โSerbisyong Totoo Balik-Ngiti Program para kay Lolo at Lolaโ ng pamahalaang panlalawigan.
Mangiyak-ngiyak na nagpasalamat kay Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza si Lola Beteria Ungkoy ng Brgy. Kamarahan, Pres. Roxas dahil sa natanggap nitong pustiso na ayon sa kanya kay labinlimang (15) taon na nitong inaasam-asam.
โDaghan-daghan kaayong salamat gob kay imo ming gitabangan. Dugay na gyud kaayo ko wala nakapa-ngipon, kinse (15) na katuig, tungod sa kalisod. Hulog ng langit gyud ka sa amoa, sa ako gob, ug kaning mga doktor pud nga maoy naghimo ani, daghan kaayong salamat. Dili gyud nako malimtan gob ang imong kaayo,โ saad pa nito.
Sa naturang aktibidad, labing-isang (11) โdeserving indigent senior citizensโ ang nabiyayaan sa programa na naisakatuparan sa tulong ng Rural Health Unit (RHU) ng Pres. Roxas, DOH, at Philippine Dental Association โ Kidapawan City Chapter na nagpadala ng private dentists sa katauhan nina doctors Cynthia Gasmin, Czarina Dasmariรฑas, at Fe Dorcas Ruizo upang maging katuwang ng Serbisyong Totoo provincial dental team na sina doctors Divinagracia Alimbuyao, at Ma. Zita Villagonzalo.
Binisita naman ng alkalde ng bayan na si Mayor Jonathan Mahimpit kasama si Municipal Health Officer Dr. Dominic Laus ang naturang aktibidad upang magpaabot ng kanilang pasasalamat kay Gov. Mendoza sa nasabing programa na labis na ikinatuwa ng mga benepisyaryo. Ang Balik Ngiti program ay pinangangasiwaan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa pamumuno ni Dr. Eva C. Rabaya na sinimulan Disyembre sa nakaraang taon.//idcd-pgo-gonzales/photoby: IPHO