Amas, Kidapawan City | Puno ng pasasalamat ang ina ni Rosalie Torrefiel na si Anita Torrefiel matapos personal nitong matanggap ang P50,000 pesos mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato kasabay ng kanilang pagbisita sa tanggapan ni Provincial Administrator Aurora P. Garcia kahapon, Enero 8, 2024.
Ang naturang gantimpala ay ipinagkaloob ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza kay Rosalie dahil sa ipinakita nitong kahusayan at dahil sa pagbigay ng karangalan sa lalawigan at bansang Pilipinas sa iba’t-ibang International games na nilahukan nito sa nagdaang taon.
Si Rosalie na tubong Magpet Cotabato na isang “visually impaired” o may kapansanan sa paningin ay nagkamit ng ginto, pilak at tansong mga medalya sa Javelin at Discuss Throw F11 Women’s Category sa nagdaang 5th Indian Open Para Athletics International Championship 2023 sa bansang India at sa 12th ASEAN Paragames naman sa bansang Cambodia.
Ayon kay Governor Mendoza, isang magandang halimbawa at inspirasyon si Rosalie sa bawat Cotabateรฑo na nagsusumikap sa kabila ng kaniyang kalagayan. Si Rosalie ay isang buhay na patunay aniya na hindi hadlang ang kapansanan upang maging matagumpay sa buhay.
Sa kasalukuyan, sumasailalim sa pagsasanay at naghahanda si Rosalie para sa susunod nitong laban ngayong taon. Kaya, labis-labis ang pasasalamat na ipinaabot nito kay Governor Mendoza dahil malaking tulong aniya ang perang kanyang natanggap mula sa probinsya ng Cotabato.//PGO-Sopresencia//