Amas, Kidapawan City| Enero 8, 2024- Labis na pasasalamat ang ipinaabot ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. matapos mapabilang ang Central Mindanao Airport (CMA) sa Barangay Tawan-tawan Mโlang, Cotabato sa 22 paliparan na pinondohan ng pamahalaang nasyunal ngayong 2024.
Abot sa P300M pondo ang inilaan ng national government sa ilalim ng 2024 Aviation and Transport Infrastructure Program para sa nabanggit na airport na labis na ikinatuwa ni Governor Mendoza.
Ito ay naging posible sa pagsisikap ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos katuwang si Deputy Speaker and Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Representative Raymond Democrito Mendoza na ang tanging hangad ay mabigyang katuparan ang matagal nang pinapangarap na paliparan ng bawat Cotabateรฑo.
Ang nabanggit na pondo ay gagamitin para sa Construction of Admin Building, Power House, Control Tower, Water Supply System and Rehabilitation of Fire Station Building na ipapatupad ngayong taon.
Pinasalamatan din ng gobernadora si House Speaker Martin Romualdez sa suporta nito sa pagpapatapos ng CMA.
Positibo rin ito na sa lalong madaling panahon ay matatapos na ang naturang paliparan na magbubukas ng napakaraming oportunidad sa larangan ng turismo, agrikultura at ekonomiya hindi lamang sa probinsya kundi sa buong rehiyon XII.//idcd-pgo-sotto//PhotosCTTO//