Amas, Kidapawan City| Enero 8, 2024- Pagkatapos ng serye ng turnover sa bayan ng Mโlang, tinungo naman ngayong hapon ng โSerbisyong Totooโ team kasama si 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos ang bayan ng Matalam para iturnover ang dalawang proyekto na nagkakahalaga ng abot sa P15,984,004.17.
Ang proyektong ito ay kinabibilangan ng Concreting of Barangay Road sa Barangay New Abra na pinaglaanan ng pondong P9,989,230.75 at Concreting of Farm to Market Road sa Sentro Sta Maria hanggang Bagong Silang Sto. Niรฑo, Brgy. Sta.Maria na may alokasyong P5,994,773.42 na pawang pinondohan mula Development Fund ng lalawigan.
Sa kanilang naging mensahe, pasasalamat ang ipinaabot ni Barangay New Abra Chairman Ronald Tuzon at Barangay Sta. Maria Chairman Felisa Asildique sa pamunuan ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza sa proyektong pagpapakonkreto ng daan na ipinagkaloob sa kanilang barangay.
Ang naturang daan anila ay malaki ang maitutulong upang mabawasan ang gastusin ng magsasaka sa pagluluwas ng kanilang mga produktong pang-agrikultura patungo sa mga merkado publiko.
Samantala, ipinaabot naman ni Congresswoman Santos ang kanyang taos pusong pasasalamat sa Barangay New Abra at Sta. Maria sa patuloy na pagsuporta nito sa adbokasiyang Serbisyong Totoo na ipinapatupad ng kapitolyo.
Nakiisa rin sa naturang turnover si 3rd District Boardmembers Ivy Dalumpines-Ballitoc, Joemar Cerebo, at Jonathan Tabara, SK Provincial Federation President Karen Michie de Guzman, Vice Mayor Ralph Ryan Rafael, Sangguniang Bayan Members at ilang opisyal ng nabanggit na barangay.//idcd-pgo-sotto/PhotobyLdelacruz//