๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—–๐˜‚๐˜†๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐—ป ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป, ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐Ÿต.๐Ÿต๐Ÿด๐—  ๐—ฟ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป

Amas, Kidapawan City| Enero 8, 2024- Isang masayang araw ng Lunes para sa mga residente at opisyal ng Barangay Cuyapon, Kabacan, matapos iturnover sa kanila ngayong araw ang road concreting project na may habang isang kilometro na pinondohan ng P9,987, 894.70 ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.

Sa naturang turnover, pinasalamatan ni Brgy. Chairman Abdula M. Datuali si Governor Emmylou โ€œLalaโ€ Taliรฑo-Mendoza sa pagtugon nito sa kanilang kahilingan na mapaayos ang naturang daan na ngayon ay ginhawa ang dulot sa mga motorista, commuters at residente ng Cuyapon at kalapit nitong mga barangay.

Sa kanyang naging mensahe, ikinagalak ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos ang magandang ugnayan sa pagitan ng pamahalaang lokal at provincial government na nagbunga ng napakaraming oportunidad at proyekto para sa bayan.

Nagpasalamat naman si Kabacan Municipal Mayor Evangeline P. Guzman sa tulong at suportang natatanggap ng kanyang bayan mula sa probinsya at tanggapan ni Congresswoman Santos at tiniyak na patuloy itong magiging katuwang ng Serbisyong Totoo sa pagpapaabot ng serbisyo sa taumbayan.//idcd-pgo-sotto/PhotobyLdelacruz//