Amas, Kidapawan City โ Sa unang araw ng buwan ng Kapaskuhan, muling ipinadama ng ina ng lalawigan ang kanyang tunay na pagmamahal sa mga kabataan kasabay ng isinagawang 2023 Provincial State of the Children Report kung saan inilahad nito ang ibaโt ibang mga pagsisikap ng kanyang administrasyon upang masiguro ang kapakanan, kaligtasan at karapatan ng mga kabataan.
Sa kanyang talumpati, masayang ibinalita ng gobernadora ang ilan sa mga programang pangkabataan na inilunsad nito sa lalawigan katuwang ang Provincial Youth and Development Office (PYDO) sa ilalim ng kanyang adbokasiyang โSerbisyong Totooโ tulad ng Summer Kids Peace Camp kung saan may 26,466 Grade 5 pupils ang lumahok ngayong taon, at Cotabato Young Peace Builders Camp (CYPC) na nilahukan naman ng may 300 elementary ang high school students (12-19 years old).
Ayon sa gobernadora, ang ilang araw na pagtitipon ng mga kabataang nagmula sa ibaโt ibang tribu ay isang paraan upang mahubog ang kanilang mga kakayahan at potensyal, at upang maisulong ang mabuting pag-uunawaan at maayos na relasyon sa pagitan ng Kristyano, Muslim, at Indigenous People (IP).
Ipinagmalaki din nito na ang mga bagong upong Sangguniang Kabataan Officials ngayon ay mas handa nang maglingkod at gawin ang tungkulin ng isang lingkod bayan dahil sila ay naging produkto ng SKPC at CYPC. Naging daan din ang mga programang ito aniya, upang ang mga kabataan ngayon ay magkaroon ng mas pagandang paningin sa kanilang kapwa kabataan sa kabila ng pagkakaiba ng relihiyon, kultura, at paniniwala.
Kaugnay nito, ipinakilala rin ni Gov. Mendoza ang mga PCPC Child Representatives na sina: Princess Haifa Bantas, Moro Representative mula sa bayan ng Pikit; Rinel Jake Casas, IP Representative mula sa bayan ng Makilala; Alyssa Mae Imperial, Christian Representative mula sa bayan ng Mlang; at Jheezel Valdez, PWD Representative mula sa bayan ng Midsayap.
Inilahad din ng gobernadora sa kanyang mensahe ang patunay ng matatag at mahusay na pag-iimplementa ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mga kabataan sa buong probinsya kung saan napanatili ng Cotabato ang โIdeal Level of Functionalityโ matapos ang ginawang assessment sa Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) CY 2022.
Bukod pa sa mga lokal na pamahalaan na naging aktibong katuwang ng probinsya sa pagbibigay ng mga serbisyong panlipunan, pangkalusugan at iba pang programa para sa mga kabataan, kinilala din nito ang โsimbahanโ bilang โpartnerโ sa pagpapalakas ng aspetong ispiritwal ng mga bata kung saan nahuhubog ang mabuting pag-uugali at karakter na mahalaga upang makamit nila ang tagumpay sa hinaharap.
Sa kanyang pagtatapos, nangako ang butihing ina ng lalawigan na patuloy itong magsusumikap, makikipag-ugnayan at makikipagtulungan sa ibaโt ibang mga ahensiya ng pamahalaan, non-government organizations (NGOs), at civil society organizations upang lalo pang mapaigting ang mga programang pangkabataan upang maitaguyod ang adhikan nitong pangkalahatang kaunlaran at kabutihan para sa mga batang Cotabateรฑo. โDahil dito sa probinsya ng Cotabato, mga bata, mahal namin kayo.โ
Ang State of the Children Address ay ginanap sa Provincial Gymnasium ngayong Biyernes, bilang culmination activity ng Childrenโs Month celebration. Ito ay pinangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development Office na pinamunuan ni PSWDO Head Arleen Timson. Dumalo rin sa naturang aktibidad sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Ali B. Abdullah, 3rd District Boardmember Ivy Martia Lei D. Ballitoc, Kabacan Mayor Evangeline Guzman, at Kidapawan City Mayor Paolo Evangelista, at iba pang mga lokal na opisyales at mga kinatawan mula sa LGUs.//idcd-pgo-gonzales/photoby:SMNanini/