Amas, Kidapawan City | Nobyembre 22, 2023 – โBalik-Kinaiyahanโ ay isang katagang Bisaya na nangangahulugang ibalik sa dating estado o anyo ang kalikasan.
Bilang isang programa ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg)- Interim-PENRO, ang โBalik-Kinaiyahanโ ay naglalayong maibalik ang dating balanse ng ekolohiya sa pamamagitan ng pagtataas ng vegetative cover, pangangalaga sa kapaligiran at pag-rehabilitate nito. Ang nasabing programa ay naayon sa adbokasiya ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo- Mendoza, na maging prayoridad ang pangangalaga sa kalikasan at siguruhin ang pananatili nito para sa susunod na mga henerasyon
Kaugnay nito, isinagawa ang tree growing activity ngayong araw, ika-22 Nobyembre 2023 sa loob ng Capitol Grounds, Amas, Kidapawan City kung saan abot sa 2,800 na assorted forest trees ang itinanim sa bakuran ng kapitolyo, at isasailalim sa monitoring upang masigurong ito ay tutubo.
Lumahok sa nasabing aktibidad ang ilang mga piling empleyadong nagmula sa pamahalaang panlalawigan, at sa City at Municipal Environment and Natural Resources Offices (C/MENRO).
Kasabay ng tree growing activity, ang clean-up drive sa mga eskwelahan kabilang ang Amas National High School, Matalam National High School at Patadon High School bilang bahagi ng nasabing programa.
Ang โBalik-Kinaiyahanโ ay isa ring pamamaraan upang tugunan ang mga isyu kaugnay sa pagbabago ng klima o climate change.// PGO-IDCD Abellana//OPAg/.