Amas, Kidapawan City | Nobyembre 22, 2023 – Ikinatuwa ng mga residente ng Barangay Palma Perez sa bayan ng M’lang, Cotabato ang pagbisita at pagbigay ng dekalidad na serbisyo mula sa Serbisyong Totoo Caravan ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) na ginanap sa covered court na nasabing barangay.
Layunin ng programang ito na makamit ang tunay na kapayapaan, pagtutulungan, pagkakaisa at kaunlaran sa mga lugar o barangay na dating apektado ng mga insurhensiya at maisagawa ang mga proyektong pangkaunlaran sa imprastruktura, agrikultura at social services sa pamamagitan ng koordinasyon at pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, pamahalaang panlalawigan, lokal na pamahalaan ng bayan, at ng mga komunidad.
Ayon pa kay Punong Barangay Joel Perez, makakatanggap ang barangay mula sa pamahalaang nasyunal ng P10M na pondo na gagamitin para sa water system project, na labis namang ikinatuwa ng mga taga-barangay.
Kabilang rin sa libreng serbisyong natanggap ng mga residente ay ang sumusunod: libreng pagproseso ng application, updating at payment ng Social Security Service (SSS), application for marriage at birth certificates sa Philippine Statistics Office (PSA); Philhealth registration at updating; konsultasyon tungkol sa land conflict at pagpapatitulo ng lupa mula sa Department of Agrarian Reform (DAR); Driver’s Licence at motor vehicle registration hatid ng Land Transportation Office (LTO); scholarship program mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA); medical and dental services gaya ng libreng konsultasyon, bunot sa ngipin, at mga gamot at bitamina mula sa Integrated Provincial Health Office (IPHO); army recruitment information campaign ng Armed Forces of the Philippines (AFP); veterinary mission handog ng Office of Provincial Veterinarian (OPVet); distribusyon ng 355 family food packs ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO); Serbisyong Totoo Entrepreneurial Program (STEP) ng Provincial Cooperative and Development Office (PCDO); orientation on first aid training ng Provincial Risk Reduction and Management Office (PDDRMO); at marami pang iba.
Maliban sa mga nabanggit na serbisyo, nagsagawa rin ng tree planting ng 220 forest trees ang Office of the Provincial Agriculturist (OPAg). Namigay rin ng 250 packs ng school supplies para sa Grade 2, 3 at 4 students ng naturang barangay ang Local Government Unit (LGU) ng Mโlang.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza sa pamamagitan nina Boardmembers Joemar Cerebo at Ivy Martia Lei Dalumpines-Ballitoc sa mga residente sa partisipasyon nito sa ELCAC program na lubos na mapakinabangan ang mga programa at serbisyong dala ng Serbisyong Totoo Caravan.
“Nandito kami ngayon para ipalapit sa inyo ang mga serbisyo sa gobyerno,” ayon kay BM Cerebo.
Lubos namang ikinatuwa ni outgoing Punong Barangay Eduardo Borromeo ang serbisyong dekalidad na ibinigay ni Governor Mendoza sa kanilang barangay.
Nakiisa naman sa nasabing aktibidad sina M’lang Municipal Mayor Russel M. Abonado, Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Ali B. Abdullah, Liga ng mga Barangay (LnB) Provincial Federation President Phipps Bilbao, Indigenous People Mandatory Representative Arsenio Ampalid, Provincial Advisory Council Member Albert Rivera, ELCAC focal persons Vilma Q. Mendoza, Edgar C. Visabella, at Emiliano C. Ortizo Jr., mga kinatawan mula sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Provincial Government Department Heads, at ng lokal na pamahalaan ng bayan at ng barangay. Kasama naman ng PTF-ELCAC ang Provincial Planning and Development Office (PPDO) sa pamumuno ni Department Head Jonah Balanag na nangasiwa sa naturang aktibidad.//idcd-pgo-delacruz//