Amas, Kidapawan City | Nobyembre 16, 2023 – Upang maisakatuparan ang pag-implementa ng Cotabato Agro-Industrial Park (CAIP) sa unang quarter ng taong 2024, ipinag-utos ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza ang agarang paghahanda ng “detailed engineering requirements” ng mga imprastrakturang ipapatayo sa loob ng CAIP.
Sa kanyang nilagdaang pormal na komunikasyon kay Provincial Engineer Esperidion S. Taladro, ipinapahanda na ng gobernadora ang mga kaukulang dokumentong kinakailangan kabilang na ang program of works (POW) ng mga proyektong popondohan ng pamahalaang panlalawigan ng P90M, kabilang na ang P1M operational expenses, batay sa inaprubahang Annual Investment Plan 2024 nito na kinabibilangan ng mga sumusunod:
* ๐๐๐ง๐๐ข๐๐ฉ๐๐ง ๐๐๐ฃ๐๐ (with guard house and quarantine facility)
* ๐๐ค๐๐ ๐๐๐ฉ๐ฌ๐ค๐ง๐ (concrete with drainage system, line canal, road signs and markings)
* ๐๐๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ซ๐๐ก๐ค๐ฅ๐ข๐๐ฃ๐ฉ (landscaping, creek alignment, billboard excavation of ponds, drainage excavation)
* ๐๐ค๐ฌ๐๐ง ๐๐ช๐ฅ๐ฅ๐ก๐ฎ (power source, fence lights, street lights), at
Kaugnay din nito, nagsagawa ang CAIP-TWG on Infrastructure ng site visitation nitong Miyerkules, ika-15 ng Nobyembre kasama sina Provincial Advisory Council Members Amalia J. Datukan, Engr. Godofredo Homez, at Engr. Dolores Aranas, bilang representante ni Gov. Mendoza.
Naroon din sa nasabing pagbisita si Governance Consultant Cynthia D. Ortega, mga kinatawan mula sa Provincial Governor’s Office, Provincial Engineer’s Office, at Office of the Provincial Planning and Development Coordinator.//idcd-pgo-gonzales/photoby:EVargas/