๐๐š๐ง๐ฎ๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š ๐ฌ๐š ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ก๐š๐ฅ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐’๐Š ๐š๐ง๐ ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฅ๐ฌ ๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐œ๐š๐ง, ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐ข ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐Œ๐ž๐ง๐๐จ๐ณ๐š

Amas, Kidapawan City| November 16, 2023- โ€œ๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฝ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ด๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฝ๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ.โ€ Ito ang pagtitiyak ni Governor Emmylou โ€œLalaโ€ Taliรฑo-Mendoza sa mga bagong halal at uupong barangay and Sangguniang Kabataan officials sa bayan ng Kabacan.

Inihayag ito ni Mendoza sa isinagawang mass oath taking ceremony nitong Miyekules sa Kabacan Municipal Gymnasium kung saan kanyang siniguro na laging nakaalalay ang pamahalaang panlalawigan sa mga barangay at lokal na pamahalaan lalo na sa oras ng pangangailangan.

Binigyang diin din ng ina ng lalawigan, na sa pagsisimula ng katungkulan ng mga bagong uupong opisyal, kaakibat nito ang malaking responsibilidad, obligasyon at pananagutan na dapat nitong isapuso sa ngalan ng serbisyo publiko.

Nagpaalala din ito na ibinaba na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Seal of Good Local Governance (SLG) sa mga barangay kung saan kailangan nitong maipasa ang kriteria na hinihingi ng ahensya na kinabibilangan ng Financial Administration and Sustainability, Disaster Preparedness, Safety, Peace and Order and at least one of the essential areas (Social Protection and Sensitivity, Business Friendliness and Competitiveness, Environmental Management).

Isang mainit na pagbati naman ang ipinaabot ni Kabacan Municipal Mayor Evageline Guzman at Vice Mayor Herlo Guzman sa mga opisyales kung saan hiniling din ng mga ito ang suporta sa kanilang pamunuan upang maayos na maipaabot sa mga Kabakeรฑos ang serbisyo para sa isang mas maunlad na Kabacan.

Nasa natura ring oath taking si DILG Provincial Director Ali B. Abdullah, miyembro ng Sangguniang Bayan ng Kabacan at iba pang imbitadong bisita.//idcd-pgo-sotto/PhotobySMNanini//