Amas, Kidapawan City I Nobyembre 13, 2023 โ Inspirado ang mga bagong upong barangay council mula sa ilang barangay ng bayan ng Matalam, kasama ang mga nahalal ding Sangguniang Kabataan (SK) officials nito, at ng karatig-bayan ng Kabacan at Tulunan na pawang mula sa Ikatlong Distrito ng Cotabato nang sila ay nanumpa kay Gov. Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza sa ginanap na Mass Oath Taking Ceremony sa Provincial Gymnasium sa Brgy. Amas, Kidapawan City.
Sa nasabing programa, ibinahagi ng butihing ina ng probinsiya kung paano ito nagsimula bilang isa ring SK official noon tatlumpung (30) taon na ang nakaraan kung saan sa kanyang murang edad ay pinagsikapan nitong mapagtagumpayan ang kanyang hangaring magsilbi sa kapwa kabataan sa kabila ng kakulangan ng sapat na pondo at mekanismo. Aniya, ang isang lider ay dapat parehong may tunay na malasakit sa kanyang nasasakupan at sapat na kakayahang mamuno.
Kaya, nagpaalala ito sa mga bagong talagang pinuno ng mga barangay at kabataan na ang paglilingkod sa mamamayan ay hindi-birong tungkulin kundi may kaakibat na isang malaking responsibilidad na nakaatang sa mga balikat ng bawat opisyal na pinili ng taumbayan na manguna sa kanila tungo sa pagkamit ng minimithing kaunlaran. Hinikayat rin ni Gov. Mendoza ang mga ito na matuto mula sa mga opisyales na may mahaba at malawak nang karanasan sa larangan ng serbisyo publiko.
Saksi sa ginawang seremonya sina Department of the Interior and Local Government Provincial Director Ali B. Abdullah, Boardmembers Jonathan M. Tabara, Joemar Cerebo, at Ivy Martia Lei Dalumpines-Ballitoc, kasama sina Kabacan Mayor Gelyn P. Guzman, Matalam Vice Mayor Ralph Ryan H. Rafael, at iba pang mga local officials and supporters./idcd-pgo-gonzales/photoby:SMNanini/