Amas, Kidapawan City I Nobyembre 13, 2023- Sinimulan ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza ang isang pormal na seremonya ng โMass Oath Takingโ ngayong Lunes sa mga opisyales ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa buong bayan ng Midsayap sa pamamagitan ng isang malugod na pagbati ng โCongratulations.โ
Kasunod nito ay ang mga paalala ng butihing gobernadora sa kanilang pagganap ng mga tungkulin, kung saan kabilang dito ang pagpapahalaga sa โserbisyongโ ipinangako nito sa mamamayan.
Sa kabilang banda, ipinaliwanag din ni Gov. Mendoza ang kahalagahan ng pagpapanatili ng magandang koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng barangay upang patuloy na maihatid ang mga programa ng pamahalaan sa taumbayan.
Binigyang diin din nito ang importansya ng mga lideres sa barangay na siyang nangunguna upang maiparating ang mga tulong at serbisyo ng gobyerno sa pinakamaayos at pinakamabilis na pamamaraan.
Sa pagtatapos, hinikayat ni Gov. Mendoza ang bawat isa na maglingkod ng buong husay at laging isaalang-alang ang kapakanan ng mamamayan.
Nagpahayag din ito ng pagsuporta sa mga bagong halal na opisyal bilang kaisa nito sa pagbibigay ng โSerbisyong Totooโ sa mga Cotabateรฑos.
Sinaksihan din nina Boardmember Sittie Eljorie Antao-Balisi, dating Boardmember at kasalukuyang Provincial Advisory Council (PAC) member Rosalie H. Cabaya, Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Ali B. Abdullah ang naturang pagtitipon kasama sina Midsayap Mayor Rolando C. Sacdalan, Vice-Mayor Vivencio V. Deomampo, Jr., kabilang ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan at iba pang mga panauhin./idcd-pgo-frigillana/photoby:SMNanini