Amas, Kidapawan City- Opisyal nang binuksan ng adbokasiyang “Serbisyo at Malasakit” ni 3rd Congressional District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos, katuwang ang tanggapan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza at Carmen Mayor Rogelio “Manong Roger” Taliรฑo, ang “MAKE” Carmen 2.0 Movement nitong Sabado, Nobyembre 11, 2023 sa Carmen Northwest Elementary School na dinaluhan naman ng abot sa 291 na mga tinaguriang ๐ธ๐ฎ๐ฆ๐๐ ๐ฎ๐ป๐ด kabataan.
Ang Municipal Advocates for Kabataan Empowerment o MAKE ay isang inisyatibong programa ni Representative Santos upang hubugin ang mga kabataan sabay hikayatin ang mga ito na makiisa sa pagpapaunlad ng bansa.
Higit na sumaya ang nasabing pagtitipon sa sorpresang pagbisita ng ina ng Serbisyong Totoo na si Gov. Mendoza, kung saan ibinahagi niya ang kahalagahan ng edukasyon sa mga kabataan na siyang magbubukas ng maraming magagandang oportunidad para sa kanila. Naihayag din nito ang impormasyon ukol sa hinihiling nitong proyekto sa tanggapan ni Representative Santos na pagbibigay ng bisikleta sa mga kapos palad ngunit matatalinong mga estudyante sa barangay.
Ani ni Gov. Mendoza, ang bisikletang ito ay magpapaalala sa kanila na lalong magsumikap sa pag-aaral at magpursigeng matamo ang mabuting kinabukasan.
Nagbalik-tanaw din ang gobernadora sa mga hamong pinagdaanan ng bayan ng Carmen upang matamo ang kaayusan at kapayapaan kung saan naging parte nito ang implementasyon mg Summer Kids Peace Camp na humihimok sa mga kabataan na magkaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng relihiyon, tradisyon, kultura at paniniwala.
Binigyang diin din nito na pakay ng mga programang Cotabato Young Leaders Congress (CYLC) at Cotabato Young Peacebuilders Camp (CYPC)na isinusulong ng kapitolyo at ng MAKE Movement ni Representive Santos na hubugin ang mga kabataan sa ano mang tungkulin na kanilang gagampanan, at gawin silang natatanging lider ng kanilang henerasyon.
Pinaalalahanan din nito ang mga bagong halal na Sangguniang Kabataan hinggil sa malawak nilang responsibilidad upang maitaguyod ang mga programa para sa kapakanan ng mga kabataan.
Tinapos ng gobernadora ang kanyang mensahe sa katagang: ๐ ๐ฌ๐ค๐ช๐ก๐ ๐๐ ๐ซ๐๐ง๐ฎ ๐๐๐ฅ๐ฅ๐ฎ ๐ฉ๐ค ๐จ๐๐ ๐ข๐ค๐ง๐ ๐ฅ๐ง๐ค๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฎ๐ค๐ช๐ฉ๐.//idcd-pgo-frigillana/photoby:SMNanini