Amas, Kidapawan City| Nobyembre 9,2023- Upang masugpo ang pagkalat ng sakit na pestalotiopsis leaf fall disease of rubber na nakaapekto sa ilang rubber plantations ng probinsya, namahagi ngayong araw ng agricultural supply and inputs ang Department of Agriculture-Philippine Rubber Research Institute (DA-PRRI) katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.
Ito ay ginanap sa Provincial Covered Court, Amas, Kidapawan City kung saan aabot sa isang daan at animnapung (160) rubber farmer beneficiaries na mayroong kabuoang 211 ektaryang taniman ng goma na naapektuhan ng sakit ang nakatanggap ng tulong mula sa DA-PRRI at pamahalaang panlalawigan na nagkakahalaga ng P11,000,000.00.
Kabilang sa mga kagamitang pangsugpo sa pestalotiopsis na ipinamahagi ng ahensya ay ang sumusunod: fertilizers, herbicides, fungicide, lagaraw, bolo, safety coverall, drum, garden hose at grass cutter.
Sa mensaheng ipinaabot ni PRRI Executive Director Cheryl L. Eusala via zoom, nanawagan ito sa mga magsasaka na sundin ang treatment plan na kanilang inilatag upang makontrol at maagapan ang pagkalat ng sakit.
Dagdag pa niya, na maswerte ang lalawigan ng Cotabato dahil aktibo ang tanggapan ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza sa pakikipag-ugnayan sa PRRI upang matulungan ang mga magsasaka.
Ang Cotabato province ang panghuling probinsya sa Mindanao na sinalanta ng pestalotiopsis dahil sa agaran nitong pagpapatupad ng quarantine protocols na ilang beses ring umani ng papuri hindi lamang sa PRRI kundi pati na rin sa mga rubber experts mula sa labas ng bansa.
Sa mensahe namang ipinarating ni Jener C. Rojas, may-ari ng dalawang ektaryang gomahan sa Barangay Pinamaton, Matalam, Cotabato, malaki ang tulong ng naturang ayuda upang masugpo ang sakit na nananalanta ngayon sa kanilang gomahan.
Pasasalamat din ang kanyang ipinaabot sa pamunuan ng PRRI sa pangunguna ni Executive Director III Cheryl L. Eusala at sa tanggapan ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza sa pagpapakita ng mga ito ng malasakit sa mga magsasaka ng goma.
“๐ฒ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐น๐น๐ฐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐.โ
Bilang kiatawan ni Governor Mendoza, mensahe ng pasasalamat naman ang inihatid ni Boardmember Ivy Dalumpines-Ballitoc sa pamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. at DA OIC-Regional Director John B. Pascual sa suportang ipinapaabot nito sa sektor ng agrikultura sa lalawigan.
Kabilang sa mga munisipyong nakatanggap ng ayuda ay ang bayan ng Makilala, Carmen, Kabacan, Mโlang, at Antipas.
Maliban sa farm inputs magbibigay din ng P557,000.000 pondo ang Department of Labor and Employment sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvataged/Displaced Workers (TUPAD) para sa mga indibidwal na tutulong sa paglilinis at paglalagay ng fertilizers, fungicides at herbicides sa mga naapektuhang plantasyon.
Dumalo rin sa ceremonial distribution si PRRI Senior Science Researcher Jill Villanueva, Provincial Agriculturist Remedios Hernandez, at representante mula sa DA Field Office XII Delberto P. Sabanal.//idcd-pgo-sotto//