Amas, Kidapawan City| Nobyembre 9, 2023- Isa na namang napakagandang oportunidad ang binuksan ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato para sa limapung (50) miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) mula sa bayan ng Arakan, Cotabato.
Ito ay matapos silang sumailalim sa dalawang araw na entrepneurial training na hatid ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) kung saan sila ay tinuruang gumawa ng banana pinasugbo at taro chips na makapagbibigay sa kanila ng karagdagang pagkakakitaan.
Ibinahagi din sa mga partisipante ng kawani mula sa OPAg ang tamang labeling and packaging na makakatulong sa kanilang pagbebenta ng produkto kung saka-sakaling magdesisyon ang mga ito na pasukin ang pagnenegosyo.
Naging bisita sa pagsasanay si Philippine Councilors League President/Ex-officio Boardmember Rene Rubino na siyang naging kinatawan ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza sa aktibidad na nagpaabot ng kanyang pagbati sa mga RIC members.
Ayon sa kanya, maswerte ang mga ito dahil ang naturang pagsasanay ay kanilang magagamit sa pagproseso ng kanilang aning gabi at saging na maaari pang pandagdag sa kita ng kanilang pamilya. Idinagdag din niya na bilang ina ng tahanan, importante ang pagkakaroon ng kasanayan lalo na sa pagnenegosyo upang matulungan ng mga ito ang kanilang mga kabiyak sa buhay sa pagtataguyod ng pamilya.
Kabilang ang mga barangay Poblacion, Makalangot, Naje at Cabalantian ng Arakan sa mga sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay na sinimulan nitong Martes Nobyembre 8 at magtatapos ngayong araw.//idcd-pgo-sotto/PhotobyNTahum-OPag//