Amas, Kidapawan City| Nobyembre 9, 2023- Pasasalamat ngayon ang ipinarating ng mga magsasaka ng palay sa bayan Pigcawayan at Libungan, Cotabato matapos makatanggap ng farm inputs mula sa pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) at Department of Agriculture Field Office XII.
Abot sa 200 magsasaka na may tig-kalahating ektaryang sakahan ang nabiyayaan ng isang sakong binhi at pataba na may kabuoang halaga na abot sa P550,000.00.
Ayon kay Provincial Rice Coordinator Allan Coronado, ang naturang distribusyon ay naging posible sa tulong DA-XII na siyang namahagi ng dalawang daang (200) bags ng binhi, samantalang dalawang daang bags (200) naman ng abono ang ibinigay ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng OPAg Rice Program.
Hindi naman maikubli ni Henry Juanitez ng Poblacion 2, Pigcawayan, ang kanyang kasiyahan sa natanggap na tulong mula sa probinsya at DA na hatid ay ginhawa dahil kahit papaano ay mababawasan ang kanyang gastusin sa pagpapatanim sa kanyang sakahan.
Ang pagtulong sa mga magsasaka ng palay ay isa sa mga tinututukan ng pamunuan ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza kaya naman nagbigay ito ng subsidiya sa programang Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU) ng National Food Authority (NFA) upang mabibili sa tamang presyo ang mga aning palay ng rice farmers.
Nais nitong tiyakin na ang probinsya ay kabahagi hindi lamang sa pagtatanim kundi sa pagbili ng mga aning produkto upang matulungang maiangat ang kabuhayan ng magsasakang Cotabateรฑo.//idcd-pgo-sotto/PhotobyACoronado-OPAg//