๐™‹๐™–๐™œ๐™จ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฎ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– โ€œ๐™‡๐™ž๐™˜๐™š๐™ฃ๐™จ๐™š๐™™ ๐™„๐™‹ ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ง๐™ž๐™–๐™œ๐™š ๐™๐™–๐™˜๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™ค๐™งโ€ ๐™ž๐™ฃ๐™ค๐™ง๐™œ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™จ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ฅ๐™ž๐™ฉ๐™ค๐™ก๐™ฎ๐™ค

Amas, Kidapawan City I Nobyembre 9, 2023-Patuloy na binibigyan ni Cotabato Governor Emmylou โ€œLalaโ€ J. Taliรฑo-Mendoza ng mataas na pagpapahalaga ang mga katutubong mamamayan o โ€œindigenous people (IP)โ€ sa probinsya.

Maliban sa pagpapatupad ng mga programang higit na magpapayaman ng kanilang kultura at tradisyon, isinasagawa rin ng pamahalaang panlalawigan ang ibaโ€™t-ibang mga aktibidad na nagpapalago ng kanilang kaalaman at kasanayan.

Kaugnay nito, idinaos ngayong Nobyembre 7-9, 2023 ang dalawang araw na โ€œTraining for Licensed Indigenous People Marriage Facilitator and Other Relevant Marital Lawsโ€ sa Elai Resort and Recreation Center, Kidapawan City kung saan sumailalim ang tatlongput-tatlong (33) โ€œtribal leadersโ€ sa lalawigan ng Cotabato sa nasabing pagsasanay.

Pakay nitong maturuan ang mga nabanggit na โ€œtribal leadersโ€ hinggil sa kanilang gaganapin na mahalagang tungkulin bilang โ€œsolemnizing officers o licensed IP marriage facilitatorsโ€ sa pag-iisang dibdib ng mga katutubong mamamayan upang matiyak na magiging legal at lehitimo ang kanilang kasalan.

Ang naturang โ€œtrainingโ€ na naglalayong mabigyan ng proteksyon at mapangalagaan ang kapakanan ng mga โ€œindigenous people o IPโ€ ay dinaluhan nina Ex-officio Boardmember at Provincial IPMR Arsenio M. Ampalid bilang kinatawan ni Gov. Mendoza.

Naroon din si National Commission on Indigenous People (NCIP) Provincial Officer Timuey Macapantao R. Manamba, at si Engr. Belinda R. Penuela mula sa Philippine Statistic Authority (PSA).//idcd-pgo-frigillana/photoby:PGO-IPAffairs