Amas, Kidapawan City | Nobyembre 8, 2023 – Ang panatilihing ligtas ang mga Cotabateรฑo sa sakit na malaria ay kabilang sa isinusulong ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo Mendoza sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Malaria Program sa lalawigan.
Matatandaang idineklara ng Department of Health (DOH) na “Malaria-Free” ang probinsya ng Cotabato sa taong 2022 batay sa datus na isinumite ng IPHO Malaria Elimination Hub at ng Rural Health Units (RHUs) ng lalawigan, kung saan nakasaad na walang naiulat na mga indigenous Malaria cases sa loob ng limang taon sa buong lalawigan.
Upang maiwasan ang pagbalik ng indigenous Malaria disease sa lalawigan, mamonitor ang mga imported cases at makapagbigay ng agarang interbensyon, sumailalim sa “Online Malaria Information System (OLMIS) Training” ang Cotabato Provincial Malaria Coordinator at Validator kasama ang Hospital Epidemiological Surveillance Unit (HESU) ng walong ospital ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ng DOH Center for Health Development (CHD) XII katuwang ang Pilipinas Shell Foundation Inc. (PSFI).
Ang pagsagawa ng naturang aktibidad ay sa pangunguna ng pamahalaang nasyunal sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa pamamagitan ng tanggapan ni Secretary Dr. Teodoro J. Herbosa, DOH-CHD 12 Regional Director Dr. Aristides C. Tan at ng PSFI na naglalayong gawing Malaria-Free ang bansa sa taong 2030.
Kaugnay nito, isinagawa ang 1st batch ng training sa pangunguna nina Regional Malaria Coordinator Royfrextopher P. Boholst at PSFI Malaria Project Officer Maria Elvy Dominicata para sa mga partisipante ng probinsya ng Cotabato nitong ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre sa Microtel by Whyndam, General Santos City. Sa susunod na mga araw naman isasagawa ang nasabing training para sa iba pang mga probinsya.
Ang partisipasyong ito ng probinsiya ay naglalayong palakasin ang programang pangkalusugan para sa kapakanan ng mga Cotabateรฑo sa ilalim ng adbokasiyang “Serbisyong Totoo” ni Governor Mendoza.
Kasama rin sa isinagawang training ang mga City/Municipal Malaria Coordinators and Medical Technologists at HESU mula sa mga pribadong ospital ng lalawigan.//idcd-pgo-catalan/Photoby:JButaslac//