Amas, Kidapawan City I Nobyembre 8, 2023- Inorganisa ng National Economic and Development Authority o NEDA ngayong Miyerkules, ika-8 ng Nobyembre 2023 ang First Mindanao Inter-Island Network Forum โMini M & Eโ sa Grand Summit Hotel, General Santos City.
Ang naturang aktibidad na dinaluhan ni Tacurong City Mayor Joseph George L. Lechonsito, MD, DPA bilang kinatawan ni Regional Development Council (RDC) XII Chairperson, Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza, MNSA ay naka-angkla sa temang: Charting the Path Forward through Partnerships and Collaborations in M & E.โ
Tinalakay sa nasabing โforumโ ang โspotlight and best practices in Monitoring and Evaluation (M & E) at ang on-going and recently concluded capacity development and research studies.”
Ibinahagi dito, ni Ex-officio Boardmember at Sangguniang Kabataan Provincial Federation President Sarah Joy L. Simblante ang paksang โBest practices in Monitoring and the Making of a Functional LMPC o Local Project Monitoring Committeeโ bilang kinatawan ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato na kinilala ng RDC kamakailan lang bilang โ๐๐ฃ๐ ๐ค๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ค๐จ๐ฉ ๐ผ๐๐ฉ๐๐ซ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ฃ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐๐๐๐พ ๐๐ฃ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐พ๐พ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐โ at pinarangalan din bilang โ๐๐ฃ๐ ๐ค๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ค๐จ๐ฉ ๐๐ช๐ฃ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐๐๐๐พ๐จ ๐๐ฃ ๐๐๐พ๐พ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ค๐ฃ ๐๐ค๐ง ๐๐ 2023โ ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sa intensyong higit na mahigpitan at mapahusay ang ugnayan ng probinsiya sa mga โM & E practitioners and stakeholdersโ sa buong Mindanao, na kinabibilangan ng Rehiyon 9, 10, 11, 12 at CARAGA, inatasan ni Gov. Mendoza si Provincial Planning and Development Coordinator Jonah J. Balanag na dumalo sa nasabing pagtitipon upang makibahagi sa diskusyon at makabuluhang palitan ng ideya, karanasan at leksyon na makakatulong sa patuloy na paghatid sa mga Cotabateรฑo ng dekalidad na serbisyo na siyang pangunahing layuning ng adbokasiyang โSerbisyong Totooโ ni Gov. Mendoza.//idcd-pgo-frigillana/photoby:oppdc