๐’๐ค๐ข๐ฅ๐ฅ๐ฌ ๐ญ๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐จ๐ง ๐Ÿ๐ข๐ฌ๐ก ๐ฉ๐ซ๐จ๐œ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐ฏ๐š๐ฅ๐ฎ๐ž-๐š๐๐๐ข๐ง๐ , ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ฅ๐š๐ฆ

Amas, Kidapawan City | Nobyembre 6, 2023 – Isa sa isinusulong ng pamunuan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza ang palakasin ang sektor ng agrikultura sa probinsya sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba’t ibang programa at proyekto sa ilalim ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) para sa mga target beneficiaries nito.

Alinsunod nito, ang pamahalaang panlalawigan ay nagsagawa ng “Skills Training on Fish Processing with Value-Adding” para sa pitumpung (70) partisipante na kinabibilangan ng mga fish farmers, fish vendors, solo parents, 4Ps beneficiaries at Samahan ng Nagkakaisang Kababaihan (SANAGKA) ngayong Lunes sa Brgy. Linao bayan ng Matalam.

Layunin nitong tulungan ang mga kalahok sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa mga teknolohiya sa pagpoproseso ng isda upang makapagbuo ng iba’t ibang produkto na maaaring maging karagdagang pagkukunan ng kita.

Labis namang pinasasalamatan ng mga partisipante si Governor Mendoza sa patuloy na pagbibigay nito ng suporta at oportunidad para sa mga mamamayan ng bayan ng Matalam.

Kasama sa isinagawang aktibidad sina Linao Brgy. Kagawad Jinky Ruga, SANAGKA President Sheela Molena bilang kinatawan ni Matalam Vice Mayor Ralph Ryan Rafael.//idcd-pgo-catalan/Photoby:RCDenula//