Amas, Kidapawan City – Sa layunin ng pamunuan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza na mabigyang proteksyon ang mga kawani ng kapitolyo laban sa paggamit ng illegal na droga, isinagawa nitong Huwebes ika-26 ng Oktubre ang oryentasyon ukol sa Drug-Free Workplace Policy (DFWP) para sa mga kawani ng Provincial Engineer’s Office (PEO) sa pamumuno ni Provincial Engineer Esperidion Taladro.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni DFWP Focal Person Vince Mortera at Administrative Officer IV Monena Javier, katuwang ang Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) sa pamumuno ni Department Head Erlinda B. Catalan na nilahukan ng abot sa 185 na mga empleyado nito.
Dito ibinahagi rin ni PHRMO Catalan ang ilang mga civil service rules at iba pang polisiya ng pamahalaang panlalawigan lalo na sa usaping paggamit ng ilegal na droga mariing ipinagbabawal ng batas.
Naibahagi din nito ang mga karampatang parusa sa mga empleyadong mahuhuling gumagamit o nagtutulak ng ipinagbabawal na droga lalo pa at mahigpit ang alutuntuning inilatag ni Governor Mendoza hinggil dito.
Ang nabanggit na aktibidad ay isinagawa bilang kampanya ng pamahalaang panlalawigan na mapanatili ang isang Drug-Free Workplace sa kapitolyo upang masiguro ang maayos, organisado at tapat na pagbibigay ng serbisyo sa publiko ng mga itinakdang lingkod bayan.//idcd-pgo-catalan/Photoby:PHRMO//