Amas, Kidapawan City – Bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng mga kooperatiba sa pagpapaunlad sa iba’t ibang sektor ng komunidad, isang parangal ang isinagawa nitong Oktubre 27, 2023, Biyernes, kasabay ng pagdiriwang ng cooperative congress at cooperative month culmination program sa The Basket, Pavillion, Amas, Kidapawan City.
Itinanghal bilang Outstanding Cooperative 2023 sa iba’t ibang kategorya ang mga sumusunod: Micro Coop (Below P3 million assets) – Carmen Transport Cooperative, Carmen, Cotabato; Small Coop (P3million to P15million Assets) โ Libungan Marketing Cooperative, Libungan, Cotabato; Medium Coop (P15million to P100 million assets) โ COTELCO Employees and Community MPC, Matalam, Cotabato; at Large Coop (above P100million assets) โ Sta. Catalina Credit Cooperative, Pres. Roxas, Cotabato.
Kabilang din sa pinarangalan ang Outstanding Cooperative Leader na nakuha ng Operational Manager ng Sta. Catalina MPC na si Ginoong Wendell P. Amoronio. Itinanghal ding Outstanding Municipal Cooperative Officer (MCO) si Ginang Jocelyn C. Falloran ng Midsayap; at nakuha naman nina Sta. Catalina Cooperative Manager Maria Fe. A. Pineda, Makilala MPC Board of Director Evelyn Mandolado, Committee Member of Kidapawan City National High School Teachers, Employees, Retirees MPC Susana Llerin, at Board of Director Taculen Farmers MPC Rebecca Dumingsel ang Outstanding Women in Cooperative.
Kaugnay nito, nagpaabot ng kanyang pagbati at pasasalamat si Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza, sa mga opisyal at miyembro ng mga kooperatiba na dumalo sa nasabing pagtitipon sa kahusayan na ipinamalas ng mga ito sa ibaโt ibang aspeto ng kanilang operasyon at bilang aktibong katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa pagsulong ng kaunlaran sa mga pamayanan ng probinsya.
Sa kabilang banda, nagpahayag din ito ng pagkalungkot sa naging resulta ng isinagawang ebalwasyon kung saan inihayag nito na may ilang mga kooperatiba na nakatanggap ng suporta at tulong-pinansyal mula sa pamahalaang nasyunal ang hindi nagawang paunlarin ang kanilang sinimulang negosyo gaya ng inaasahan.
Dahil dito aniya, simula sa susunod na taon ay mas magiging maingat at mahigpit na ang pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay ng anumang suporta at tulong teknikal maging sa pag-eendorso.
Ito ay upang mabigyan ng ibayong proteksyon ang pondo ng pamahalaan at higit na mapangalagaan ang mga kooperatibang may sensirong dedikasyon na makamit ang pangkalahatang layunin ng kanilang organisasyon.
Samantala, tiniyak din ng gobernadora na patuloy na nakahanda ang kanyang pamunuan para alalayan ang nasabing sektor upang mas makakatulong pa ang mga ito sa mas marami pang Cotabateรฑo na maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.
Bilang panauhing pandangal, nagbigay din ng mensahe si 3rd Nominee COOP NATCCO Partylist Atty. Jose Agerico de Guzman bilang kinatawan ni COOP NATCCO Partylist Representative Felimon Espares kung saan nagpaabot din ito ng pasasalamat sa mga kalahok dahil sa patuloy na pagkakaisa at pagpupursige ng mga ito upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang hanay.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Cooperative Development Joseph B. Encabo Joseph kasama sina 3rd District Boardmembers Ivy Martia Lei Dalumpines-Ballitoc at Joemar Cerebo.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ni Acting Provincial Cooperative Development Officer Shirly C. Pace.//idcd-pgo/dalumpines//Photoby:WMSamillano&PCDO