Amas, Kidapawan City Bilang pakikiisa ng pamahalaang panlalawigan sa pagdiriwang ng โ2023 Elderly Filipino Weekโ o โLinggo ng Katandaang Pilipinoโ sa buong bansa, inorganisa ngayong Biyernes ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO ang โCulmination Day Programโ sa Provincial Gym, Amas, Kidapawan City.
Naging matagumpay ang nasabing pagtitipon kung saan itinampok ang bonggang โLiterary-Musical Contestโ na pinagbidahan ng mga kahanga-hangang miyembro ng Senior Citizensโ organizations na nagmula sa labing-pitong (17) mga bayan, kasama na ang nag-iisang lungsod ng Kidapawan sa probinsya.
Puno ng saya at sigla ang mga lola sa pag-indak at paggiling ng mga ito sa โzumba contestโ gamit ang mga modernong kasuotan sa tugtuging โOne Way Ticketโ na binansagang โtimeless classicโ na pinasikat ni Neil Sedaka noong 1959.
Naiparada din ng mga nakatatanda ang kanilang nagagandahang โtraditional filipino outfitโ sa isinagawang โCariรฑosa folk dance contestโ, maging sa โchoral contestโ kung saan kanilang kinanta ang mga awiting tatak โOriginal Filipino Musicโ o OPM.
Ngunit higit na naging espesyal ang naturang pagtitipon sa pagdalo ng ina ng lalawigan na si Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza na buong pagmamahal na sinambit sa mga Senior Citizens ang mga katagang: โ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ ๐ ๐ค ๐ ๐๐ข๐ค.โ
Ipinaliwanag din ng butihing gobernadora na ang patuloy na implementasyon ng โSocial Pension Programโ ni Pangulong Ferdinand โBongbongโ R. Marcos, Jr. sa mga kwalipikadong nakatatanda ay daan upang sila ay kilalanin bilang matibay na pundasyon ng lipunan at lubos na mapasalamatan sa lahat ng kanilang kontribusyon na nagdulot ng katagumpayan sa bawat pamilya, komunidad at ng buong bansa.
Kaugnay nito, ibinahagi rin ni Gov. Mendoza ang ilang mga programang ipinapatupad ng kanyang administrasyon sa ilalim ng adbokasiyang โSerbisyong Totooโ na nagpapakita ng tapat na pagkalinga sa mga senior citizens.
Kabilang dito ang pamamahagi ng assistive devices tulad ng wheelchairs, canes, crutches at walkers sa mga nangangailangan, pagsasagawa ng โMedical-Dental Outreach Program,” at distribusyon ng libreng โmaintenance medicinesโ sa mga dumaranas ng sakit na altapresyon at diabetes.
Sa kabilang banda, dahil sa nalalapit na โbarangay electionโ sa ika-30 ng Oktubre 2023, hinikayat din ni Gov. Mendoza ang mga senior citizens na makiisa sa halalan, pumili at suportahan ang mga kandidato na seryosong haharapin ang mga problema sa kabarangayan at handang pagsilbihan ang mga mamamayan.
Samantala, dumalo rin sina Boardmembers Ivy Martia Lei C. Dalumpines-Ballitoc at Joemar S. Cerebos sa naturang selebrasyon na nagpaabot ng kanilang pagbati at pasasalamat sa mga nakatatanda sa pananatiling inspirasyon ng mga ito hindi lamang sa mga kabataan kundi sa buong sambayanan.
Nasa pagtitipon din sina Federation of Senior Citizens’ Association of the Philippines (FSCAP) Provincial Federation President Leonardo P. Songcaya, kasama si PSWDO Head Arleen A. Timson.//idcd-pgo-frigillana/photoby:LADelaCruz