Amas, Kidapawan City โ Kumpyansa si Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza na magiging mas epektibo ang kampanya ng probinsya laban sa ilegal na droga kapag maging kabahagi nito ang mga โacademic institutionsโ kung saan naroon ang karamihan sa mga kabataan at siyang may malaking papel na ginagampanan sa paghubog ng kanilang kaisipan, paniniwala, at pananaw sa buhay.
Kaya, sa pamamagitan ng Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) na pinamumunuan ng gobernadora at sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd), ay nagsasagawa ang pamahalaang panlalawigan ng serye ng โAnti-Illegal Drug Symposiumโ sa mga piling high school at college students at mga guro upang mabigyan ang mga ito ng komprehensibong kaalaman hinggil sa masamang idinudulot ng ipinagbabawal na gamot sa mga indibidwal na gagamit nito, maging sa kanilang pamilya, at sa lipunan na kanilang ginagalawan.
Ngayong araw ng Biyernes, umabot sa 270 na mga junior at senior high school students sa Aleosan National High School (ANHS) ng bayan ng Aleosan ang sumali sa nabanggit na symposium, na isinagawa sa nasabing paaralan, kasama ang 30 na mga guro nito kabilang na si Mr. Joey J. Alenania, ang School Principal ng ANHS.
Nagbigay ng lectures ang mga kinatawan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at ng Provincial Legal Office(PLO) na si Atty. William T. Uy hinggil sa ibaโt ibang mga paksa na may kinalaman sa ilegal na droga. Ilan sa mga tinalakay ay ang Effects of Dangerous Drugs, Salient Provision of RA 9165 o Dangerous Drugs Act of the Philippines, at ang pinaiigting na kampanya na Drug-free Workplace Policy ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand โBongbongโ R. Marcos, Jr.
Bilang kinatawan ni Gov. Mendoza, dumalo rin si Cotabato Police Provincial Office (CPPO) Provincial Director at PADAC Vice Chairman PCOL Harold S. Ramos na hinikayat ang kalahok na suportahan ang nasabing programa tungo sa pagkamit ng nagkakaisang layunin ng mamamayan at siyang pangunahing adhikain ni Gov. Mendoza na tuluyang maging malaya ang mga Cotabateรฑo mula sa salot ng ipinagbabawal na gamot.
Nito lamang ika-25 ng Setyembre 2023, nagsagawa rin ang PADAC ng kaparehong aktibidad na nilahukan ng 170 na mga mag-aaral sa kolehiyo, senior at junior high school, at 30 na mga guro mula sa Cotabato Foundation College of Science and Technology (CFCST) sa bayan ng Arakan sa lalawigan. Nanguna sa pag-organisa ng nasabing mga aktibidad si PADAC Focal Person Wilson G. Terado at mga miyembro ng naturang konseho.//idcd-pgo-gonzales/photoby:PADAC/